Prologue

118 5 0
                                    

DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons,living or dead, or actual events is purely coincidental. No part of this story may be reproduced in any manner without the author's permission. PLAGIARISM IS A CRIME.







"Hoy Gio! Push mo nga bobo 'to! "

"Ang duga nyo putek ayoko na!"

"Mama mo duga"

"Hoy ano ba! Mamaya na 'yan ito na yung inorder nating pizza, " pagkuha ko sa atensyon nila at inilapag sa coffee table nila Light ang dalawang box ng pizza na binili namin. Nagkayayaan kasi kaming lahat na mag "bonding" daw. Parang joke pakinggan. Akala mo naman hindi namin nakikita ang mukha ng isa't-isa sa trabaho. Pero, day-off kasi. Kaya pinagbigyan ko na ang yaya nila at tumambay sa bahay ng kaibigan namin.

"Hey guys! Let's eat. The game can wait, " dagdag ni Light at inilapag ang bitbit nitong wine. Bawal kaming uminom ng heavy drinks dito kasi baka palabasin kami ng mama ni liwanag.

"Oo nga mamaya na. Ayoko na, " saad ni Gio at pinatay na ang cellphone nito.

"Ulol! Practice ka pa sa susunod 'tol pabuhat ka masyado, " naiiling na saad ni Onyx. Binatukan naman ito ni Gio na siyang tinawanan niya lang.

"Sa susunod sa dorm niyo naman tayo 'tol, " ani Gio at lumingon sa akin na siyang sinang-ayunan nilang lahat. Tumango na lang ako at naisipan muna naming manood ng TV habang nilalantakan ang pizza.

"Hoy lipat mo muna roon sa flash report Light," sabi ko at tumalima naman ito agad. Tahimik kaming lahat na nakinig sa sinasabi ng reporter.

"The patient tested last week exhibiting symptoms from an unknown disease is now isolated at one of the hospitals in Pasig. "

"Uy putek ospital natin 'yan ah! " gulat na saad ni Gio nang ipinakita sa screen ang larawan ng ospital na pinagtatrabahuhan namin. Maski ako ay nagulat din. Kaninang umaga lang ba siya inilipat doon?

"Doon lang tayo nagtatrabaho 'tol pero hindi atin iyon. "

Lahat kami ay napatingin nang masama kay Onyx nang nagawa pa nitong magbiro. Tumawa lang ang loko at nakinig na ulit kami sa balita.

"The cause was traced to a rare kind of virus which was only reported in the Philippines. The Health Division called it the Wongshin Virus Disease. The nature of the virus is still unknown but one thing is certain,










the Philippines is at risk."

UnendedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon