"Iyon po ang lahat ng nangyari."
Tumango ang papa nina Light at Night nang kinuwento ko sa kaniya ang lahat. Tungkol sa Siriocylin, SAT-PH, sa mga ginawa ni Eliezer at sa nangyari kanina. Nandito kami ngayon sa bahay nila at nasa harap ko rin ngayon si Light. Si Night naman ay hindi ko nakita, baka tulog na dahil madaling araw na rin.Dumaan kami sa ospital kanina upang gamutin ako pagkatapos ay dumiretso na ako rito.
"Then, my hunch was right all along."
Kumunot ang noo ko sa sinabi nito.
"May hinala na po kayo sa mga pinaggagawa ni Eliezer?" tanong ko sa kaniya. Tumayo ito at umalis saglit upang pumunta sa kwarto niya pagkatapos ay bumalik ito at inilapag ang itim na aklat sa harapan. Teka! Ito yung libro noon na nakita ko sa loob ng opisina ni Eliezer.
"I've already suspected that he's hiding something when we were still together on a project and my suspicions grew even larger when he quit the team. And, this," saad nito at tinuro ang libro. Paano napunta sa kaniya ito? Kinuha nya ba sa lab ni Eliezer?
"I didn't stole it if that's what you're thinking. I found it here in the house actually."
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Ha? Bakit nandito sa bahay nila?
"Ano pong ibig nyong sabihin?"
"Kinuha ko iyan sa opisina ni Eliezer."
Lumingon ako sa nagsalita at nakita si Night na naglalakad papunta sa direksyon namin.
"Kinuha mo?" gulat kong tanong sa kaniya. Tumango lang ito at umupo sa tabi ko. Kaya pala nakita ko ito noon na lumabas sa lab ni Eliezer. Pinag-isipan ko pa siya tuloy ng kung ano noon.
"Si papa naman, pinakialaman yung gamit ko," naiiling na sabi ni Night. Sinuway ito ni Light samantalang binalewala lang siya ni Mr. Cantiller. Itong lalaking 'to talaga.
"Ano nga palang nangyari kay Eliezer na iyon?" biglang tanong ni Night. Nagkatinginan kami ng papa niya at bigla nitong inayos ang kaniyang salamin. Sinabi sa akin ni Mr. Cantiller kanina na siya na ang bahalang linisin ang tungkol sa nangyari kay Eliezer. Hindi ko alam kung paano pero hindi na ako dapat mag-alala. Baka may plano naman si Mr. Cantiller.
"He's gone," sagot nito kay Night.
"Ha? Saan pumunta? Tumakas sa ibang bansa?" gulat na tanong ni Night.
"He's dead, idiot," inis na sagot ni Light. Narinig kong napasinghap ito sa sinabi ng kakambal niya. Nakatingin lang ako kay Mr. Cantiller. Nagulat ako sa ginawa niya kanina at hindi ko inaasahang mapapatay nito si Eliezer.
Gayunpaman, niligtas niya ako at masamang tao si Eliezer. Mabuti at nawala na ang leader ng SAT-PH.
"Now that their head is gone, they'll probably stop their evil deeds," saad ni Light. Sana nga.
"Ulol, asa ka. Bakit sigurado ka bang si Eliezer talaga yung mastermind?" tanong ni Night. Napatingin ako sa kaniya sa sinabi nito. Ano pa bang pinupunto niya?
"We've already heard about everything, right? What are you talking about?" inis na tanong ni Light sa kaniya.
"At naniwala naman kayo sa taong iyon?"
"I don't understand what you are trying to point out, Night. You overanalyze things,"naiiling nitong sabi.
"Bahala kayo diyan. Basta ang masasabi ko lang, mag-ingat tayo. Baka nasa tabi-tabi lang natin iyong kalaban," seryosong saad nito at tumayo't naglakad pabalik sa kwarto niya. Kunot-noo ko itong sinundan ng tingin.
"Don't mind, him," biglang saad ni Mr.Cantiller.
"Now that Eliezer's gone, what are you planning to do?"
BINABASA MO ANG
Unended
Science FictionA frontliner courageously fought for survival in the wake of a dreadful virus, only to find out that it was purposefully created to rectify mankind.Is the world coming to an end? No. Or at least not yet.