Isang linggo ang lumipas pagkatapos naming maquarantined sa loob ng ospital at sa awa ng Diyos, naging negatibo na kami sa isinagawang weekly test. Subalit, hindi pa angkop na magbunyi ang buong ospital sapagkat positibo pa rin ang kasamahan naming mga nars gayundin si Doc Lucena. Kasalukuyan silang naka-isolate habang kami naman ay patuloy na sa aming duty. Biglang sumagi sa isip ko ang senaryo kung saan nahilo at muntik ng matumba si Doc Lucena noon. Posible kayang may sintomas na siyang iniinda noong mga panahong iyon? Kung gayon, kami talaga nina Light at Onyx ang nagkaroon ng direct contact sa kaniya pero hindi na bale iyon dahil naging negatibo na kami pero sa ngayon, ang ipinagdarasal ko ay ang paggaling nila Doc at ng iba pang mga nars.
Kasalukuyan akong nagrarounds ngayon sa second floor at papasok na sana ako sa isang kuwarto subalit napatingala muna ako't napalunok. Putek Room 11.
Biglang nanumbalik sa memorya ko ang muntik ng pagtama ng tsinelas sa akin gayundin ang marahas niyang paghawak sa balikat ko. Wala naman sigurong lumilipad na tsinelas pagbukas ko no? Putek hindi sa naduduwag ako oh ano pero anak ng baka sugurin na naman ako ni Rhum. Hindi ako naduduwag ha. Hinahanda ko lang ang sarili ko.
Dahan-dahan kong pinihit ang doorknob at awtomatiko akong napapikit at tinakpan ang ulo ko pagkapasok. Mabuti ng handa.
"Hindi na kita babatuhin bata."
Dahan-dahan kong ibinaba ang kamay ko't sumalubong sa akin ang natatawang magkambal. Nakaupo sila at nakatingin sa akin. Putek pahiya ako ng kunti doon ah.
Napakamot na lang ako sa ulo ko at naglakad na parang walang nangyari. Nagmukha akong duwag putek. Hindi naman siguro masamang maging laging handa no? Boy Scout din naman kasi ako noon.
"Pasensya na sa inasal ko sa iyo noon, " paghingi ng tawad ni Rhum at yumuko pa nang bahagya.
"Naku, kalimutan niyo na po iyon Sir," tugon ko naman sa kaniya. Napangiti ito sa sinabi ko. Hindi naman kasi talaga ako nagtanim ng galit sa kaniya dahil gaya nga ng sinabi ko noon, nauunawaan ko naman kung bakit siya umakto ng ganoon.
"P-pasensya rin sa nasabi ko tungkol sa inyo, " nag-aalinlangan nitong sabi at hindi magawang tumingin sa akin nang diretso. Naalala ko ang pagtawag niya sa amin ng "manloloko". Sa totoo lang, nagulat at nagtaka ako pero hindi naman ako nasaktan sa sinabi niya. Batid ko namang nasabi lang niya iyon dahil sa pighating nararamdaman niya.
"Okay lang po iyon,Sir. Hayaan niyo na po iyon, " paniniguro ko sa kaniya.Pilit itong ngumiti sa sinabi ko.
"Pagpasensyahan mo na iyang kakambal ko sir sadyang mapusok lang ang bibig niyan, " natatawang saad ng kakambal niya. Sinamaan ito ng tingin ni Rhum pero nagkibit-balikat lang ito.
"Pero tigasin man ang ugali niya ay malambot din naman ang puso niyan, " dagdag pa niya.
"Salamat Gin ha. Lakas mo mambawi, " naiiling na sabi ni Rhum at nagtawanan naman kaming tatlo.
"Pero seryoso pasensya talaga sa sinabi ko. Sa totoo lang, hindi lang naman kami ang naghihirap sa sakit na ito dahil grabe rin ang sakripisyong ginagawa niyo para sa amin. M-maraming salamat, " sinsero nitong sabi at ngumiti sa akin. Nanatili naman akong tahimik at ewan ko ba pero parang may kung anong ligaya ang hatid ng sinabi niya dahil parang naging masigla ang puso ko. Ang sarap palang marinig iyan mula sa mga taong buong-puso niyong pinaglilingkuran.
"Tungkulin po namin ito sir at isa pa, wala po kaming ibang hangarin kundi ang gumaling kayong lahat. Lumaban lang po tayo, " saad ko sa kaniya. Napangiti naman silang dalawa sa sinabi ko.
"Naku nagiging seryoso na ata tayo. Hindi pa pala kami nakakapagpakilala sa iyo. Ako nga pala si Rhum at ito nga pala ang kakambal kong si Gin."
"Hindi naman mahilig sa inumin ang mga magulang namin no? " natatawang saad ni Gin.
BINABASA MO ANG
Unended
Science FictionA frontliner courageously fought for survival in the wake of a dreadful virus, only to find out that it was purposefully created to rectify mankind.Is the world coming to an end? No. Or at least not yet.