Hindi na ako mananahimik pa.
Tiningnan ko sina Gio at Onyx na kasalukuyan kong kasama ngayon sa station at tumikhim.
"Uhm, Gio, Onyx."
Sabay naman silang napalingon sa gawi ko nang tinawag ko ang pangalan nila. Maraming agam-agam ang pumasok sa isip ko pero isinantabi ko ang lahat ng iyon. Ayoko nang manahimik pa.
"May importante akong sasabihin sa inyo mamaya."
Makalipas ang ilang oras
"Nantitrip ka ba, tol?"
"Joke time ba 'to pre?"
"What the hell did you say?"
"Kiko, seryoso ka ba?"
"Mama mo cure"
Napapikit na lang ako nang sabay sabay silang magsalita pagkatapos kong sabihin sa kanila ang lahat. Ang nakita ko sa bahay ni Tita Martha, ang SAT-PH, ang tungkol kay Eliezer at higit sa lahat, ang tungkol sa Siriocylin. At kagaya ng inaasahan, alam kong ganito ang magiging reaksyon nila.
"Alam kong mahirap paniwalaan pero iyon ang totoo. At, kagaya nga ng sabi ko sa inyo kanina, gumaling ang kapatid ko dahil sa Siriocylin na iyon."
Titig na titig lang sila sa akin habang pinoproseso ang sinabi ko. Tapos na ang duty namin at narito kami ngayon sa likod ng ospital, sa may parking lot, upang mag-usap. Nais kong kumpleto kaming lahat na magkakaibigan kapag kinuwento ko ang lahat kaya hinintay namin sina Night, Light at Franie kanina.
"If they have already found the cure for the virus then why on earth are they hiding it?" Light asked furiously.
"Oo nga 'tol, eh ikaw na nga may sabi na chemist yang si Eliezer 'di ba tapos trabaho nilang hanapan ng cure tong virus oh eh bakit itatago nya ngayon sa publiko kung iyon din naman ang trabaho nya 'di ba?"dagdag na tanong din ni Onyx. Ibubuka ko na sana ang bibig ko nang magsalita si Gio.
"At ano itong SAT-PH? Anong katarantaduhan naman iyan? Bakit may ganyan?"
"Even if how hard I think about it, it just doesn't make sense. Like, ano? Ayaw ba nilang gumaling ang mga tao sa virus?" gatong din ni Franie.
Lahat sila ay taimtim na tumutok sa mga susunod kong sasabihin. Napalunok na lamang ako at napamasahe sa sentido ko.
"Iyan din nga ang mga tanong ko."
Napabuntong-hininga na lamang sila at katahimikan ang bumalot sa aming lahat. Kagaya ng naging reaksyon ko nong una kong nalaman ang tungkol sa SAT-PH, ganoon din ang naging reaksyon nila. Sa totoo lang, hindi ko pa lubos na naiintindihan ang lahat at sa tingin ko'y hindi ko talaga magagawang maunawaan ang lahat ng ito.
"Sila rin mismo ang lumikha ng virus na ito."
Lahat kami ay napalingon kay Night nang magsalita ito. Siya lang pala ang walang imik kanina pa nang magkuwento ako at ngayon naman, nagulat kaming lahat nang magsalita ito.
"Anong sinabi mo?" tanong ko ulit sa kaniya.
"Kagagawan lang nilang lahat ang Wongshin Virus Disease," seryoso nitong sabi.
"Night, can't you see that we are serious? Huwag ka muna magbiro," Franie said and crossed her arms. Si Light naman ay napailing lang sa tinuran ng kakambal niya.
"At paano mo naman nasabing kagagawan nila ang virus?" tanong ni Gio rito. Alam kong madalang lang talagang magseryoso si Night pero ewan ko ba, may parte sa aking gustong pakinggan ang kung anuman ang sasabihin nito.
"Night alam mo kung nagbibiro k-
"Para mabawasan siguro ang mga tao, malay ko sa kanila. Idol yata nila si Thanos eh," seryosong sabi nito. Napailing na lang sina Franie at Onyx sa sinabi nito samantalang kami naman ni Gio ay nakatingin lang sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Unended
Science FictionA frontliner courageously fought for survival in the wake of a dreadful virus, only to find out that it was purposefully created to rectify mankind.Is the world coming to an end? No. Or at least not yet.