III

26 3 0
                                    

"As of 20th of May 9:15 p.m. , Philippines recorded its first casualty for Wongshin Virus Disease."

"The first patient of Wongshin Virus Disease recorded in the Philippines, died yesterday at one of the hospitals in Pasig. "

"President Hendrilon Cañete declared a quarantine in all parts of the Philippines to counter the threats of Wongshin Virus Disease. Moreover, one casualty has already been recorded in the Philippines."

"Patient 1 has been cremated yesterday and will be delivered this day. "

"Woah, it's all over the news na. Trending na sa twitter,hashtag LockdownPH. Hayst, " nanlulumong sabi ni Franie habang nag-iiscroll sa cellphone niya habang nakaupo kami rito sa nurse station. Nakalulungkot isiping may isang buhay ng kinuha ang virus na iyan. Pagkatapos lang ng announcement ng Pangulo nang isinabi sa amin ni Doc Lucena na dadalhin sa Crematory si Patient 1 at gumuho ang mundo naming lahat sa balitang iyon.

"Patayin nyo nga iyang TV, mababaliw lang tayo 'pag pinakinggan natin iyang mga nakababaliw na numerong ibinabalita, " naiiling na sabi ni Gio nang lumapit ito upang tumingin sa charts. Sa halip naman na sundin siya ni Onyx ay inilipat nalang nito ang channel subalit kahit saang news channels ilipat, lahat tungkol sa virus ang ibinabalita. Wala ring laman yung sports channel kundi puro replays lang kasi bawal nga yung mass gatherings kaya wala rin kaming mapapanood na basketball.Kung wala siguro iyang Wongshin Virus na iyan, malamang nagpupustahan na kami ng mananalo sa PBA.

"Cartoons na lang kaya panoorin natin, " pagbibiro naman ni Onyx nang ibinalik nalang nito ang channel sa kanina naming pinapanood. Mas mabuti nalang sigurong makinig sa balita para na rin maging bukas ang kaalaman namin sa mga kaganapan at mga estadistika.

"ML nalang tayo tara, " biglang pagyaya ni Gio .

"Hoy, working hours ano ba kayo, magrounds ka nga roon Gio, " saway naman ni Franie. Katatapos lang kasi naming magrounds kanina sa second floor tsaka third kaya narito ulit kami sa nurse station. Tiningnan ko rin kanina ang lagay ni lola sa Room 3 at mabuti naman kasi kahit papano, ginalaw niya na ang pagkain niya kahit hindi niya man naubos. Hindi ko siya nagawang kausapin kasi natutulog siya kanina nang chineck ko sila. Sina Kinro lang ang nakausap ko kanina at hanga ako sa batang iyon kasi sa murang edad niya palang ay bukas na ang isipan niya sa mga nangyayari rito sa bansa. Hindi pa nila batid kanina ang tungkol sa pagkamatay ni Patient 1 pero marahil ngayon, napakinggan na nila sa TV sa room nila. Ang labis kong ikinakabahala at ikinalulungkot ngayon ay ang magiging reaksiyon ng pamilya niya kapag ka ibinigay na sa kanila ang urn na naglalaman ng abo ng mahal nila sa buhay. Kagabi nang ipinaalam sa kanila ang malungkot na balita at mabuti nalang at hindi ko nasaksihan iyon dahil mawawasak lang ang puso ko kapag nakita kung paano sila mag-iyakan. Oo hindi na bago sa amin ang kaganapang iyan dahil marami na kaming nasaksihang pamilyang nag-iiyakan sa pagkawala ng mahal nila sa buhay dito sa ospital pero iba kasi yung lungkot sapagkat sa sitwasyon ngayon, hindi mo man lang mabibigyan ng maayos na libing ang namayapa mong pamilya. Batid kong napakasakit sa kanila dahil abo na lang ng padre de pamilya nila ang kanilang makikita. Hindi man lang sila nagkaroon ng pagkakataong masilayan man lang sa huling pagkakataon ang sumakabilang buhay nilang kapamilya.

"Uy tapos na kaya ako magrounds no, dito muna ako ng ilang minuto sa station. Ano ML tayo Kiko? " tanong ni Gio at humarap sa akin.

"Sa susunod nalang, kayo nalang ni Onyx, " sagot ko naman sa kaniya habang abala ako sa pagkumpara ng mga health records na tinala at chineck namin kahapon sa mga tala namin ngayon bilang pagmonitor kung may mga pagbabago ba sa lagay ng mga pasyente.

"Pass pre, lose streak ako kahapon, nagluluksa pa ako at isa pa, baka masermonan tayo, " naiiling na sabi ni Onyx. Napabuntong-hininga naman si Gio at hindi nalang naglaro. Working hours kasi baka makita pa kami nila Doc dito na naglalaro ng ML. Lagot kami 'pag nagkataon. Sa ganitong sitwasyon ba naman kung saan kakamatay lang ng pasyente, parang nawala na sa isip ko ang maglaro. Saka na ang ML, kapag okay na ang lahat. Sana talaga mawala na ang pisteng virus na iyan.

UnendedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon