XI

9 2 0
                                    

"S-sigurado ka ba dyan sa sinabi mo tol? "

Nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga si Onyx bago sinalubong ang nag-aalinlangan kong mga mata. Pagkagulat ang siyang nangingibabaw ngayon sa aking kalooban nang sinabi sa akin ni Onyx ang isang masamang balita. Mag-aalas-siyete pa lang ng umaga subalit naalimpungatan ako nang marinig ang malakas at malutong na mura ni Onyx habang nakatingin sa cellphone nito.

"Yung dati nating classmate na si Yuna na nagtatrabaho sa Health Center ang nagsabi sa akin tol. Nagulat nga rin ako lalo na nang sinabi mo sa aking doon nakatira si Tita Martha."

Uminom muna ako ng tubig at muling inunawa ang balitang sinabi sa akin ni Onyx. Kasalukuyan daw na naka-home quarantine ang mga tao sa lugar na nilipatan ni Tita Martha dahil may isang nag-positive sa naturang lokasyon na siyang naka-isolate na ngayon sa Health Center.  Habang hindi pa lumalabas ang resulta ng test sa natitirang mga residente ay hindi sila pinahintulutang lumabas ng bahay. May kung anong kumirot sa puso ko habang inaalala ang pagkakataong pumunta ako roon at nakausap ang isang batang babae. Sa isang iglap lang ay lahat sila'y hinagupit ng Wongshin Virus Disease at nanganganib na ang kanilang kalusugan. Nag-aalala rin ako para sa kalagayan ni Tita Martha lalo na't naging malapit din ito sa amin.

"Minalas nga naman at doon pa sa lugar na nilipatan ni Tita Martha ang naisolate. Kung hindi lang sana ito lumipat doon tsk, " saad ni Onyx at napahilamos sa mukha nito. Hindi ko pa alam kung ano ang dahilan ng biglaang paglipat ni Tita Martha at nakalulungkot lang dahil sa lugar pa kung saan siya lumipat ang tinamaan ng virus. Ipinagdarasal ko lang na sana, maging negatibo siya gayundin ang ibang residenteng nakaisolate roon.

Binalot ng katahimikan ang dorm at alam kong parehong pangangamba ang siyang nararamdaman namin ngayon. Mahigit sa 12,000 na ang kaso ng virus sa Pinas at hindi pa rin nadagdagan ang kaisa-isang recovery. Napakabilis lang ng mga pangyayari. Sino ba ang mag-aakalang aabot tayong lahat sa ganito? Noon, palaro-laro lang kami ng ML nina Onyx tas ngayon, sa isang iglap, nagbago ang lahat. Tunay nga na ni isa sa atin ay walang may nakakaalam sa kung anuman ang mangyayari sa susunod na mga araw. Nararapat lamang na hangga't humihinga pa tayo, mamuhay na tayo ng naaayon sa landas na nais ng Panginoon dahil hindi natin hawak ang panahon. Sa mga nangyayari ngayon sa bansa, senyales lamang ito na manumbalik na tayo sa kaniya.

Mabilis ang naging paggalaw ng kamay ng orasan at kasalukuyan na kami ngayong naglalakad palabas sa dorm para sa duty namin. Tahimik lang naming binabagtas ni Onyx ang daan at nararamdaman kong parehong mabigat ang pakiramdam namin bunsod ng natanggap naming balita kanina ngunit kinakailangan naming isantabi iyon dahil may trabaho pa kaming kailangang gampanan.

"Hoy mga tsong! "

Napatigil kami sa paglalakad at gulat na lumingon nang marinig ang boses ni Gio. Aba nagkasabay ulit kaming tatlo ah. Himala.

"Uy, long time no sabay pre, " natatawang saad ni Onyx. Tumawa lang din si Gio at sabay na kaming tatlong naglakad papunta sa ospital.

"Bat parang may nararamdaman akong kakaiba?" naguguluhang tanong ni Gio at tumigil sa paglalakad. Kunot-noo ko itong tiningnan habang iwinawasiwas nito ang kamay niya sa ere.

"Ano na namang trip mo dyan? " naiiling kong tanong sa kaniya. Tumingala ito saglit at muling itinaas ang mga kamay niya. Parang ewan 'tong si Gio.

"May nararamdaman akong kakaiba tol, " natataranta nitong sabi at umaktong may kinakapa sa ere. Nakasinghot na naman siguro ng katol ang lalaking iyan.

"Oh bat di ka pumunta sa KMJS? " natatawang tanong ni Onyx at nagsimula na ulit maglakad. Sumabay na ako sa kaniya at nagkumahog ding humabol sa amin si Gio.

"Ha? Bat napunta sa KMJS? " naguguluhan nitong tanong. Aba umaga pa lang mukhang choppy na ang signal ng utak nito ah.

"Itanong mo sa alien, " naiiling na saad ni Onyx.

UnendedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon