"You really are persistent, Melendrez. Come with me or I'll pull the trigger."
Napalunok ako nang marinig ang malamig na tinig ni Eliezer na nasa likod ko. Idiniin nito ang baril na nakatutok sa ulo ko at naglakad na ako papasok sa sasakyan niya. Nang makapasok na ako sa likuran ng sasakyan, kinapa ko ang Digital Recorder sa bulsa at pinindot iyon upang nagsimulang magrecord.
Pumasok si Eliezer at pinaandar na ang kotse.
"Saan mo ako dadalhin?" tanong ko sa kaniya nang nagsimula na siyang magdrive. Ang lakas ng tibok ng puso ko pero nilalakasan ko ang loob ko dahil kailangan kong magtagumpay sa binabalak kong gawin. Nakahanda na ako sa kung anuman ang maaaring mangyari sa akin.Biglang sumagi sa isip ko ang liham na iniwan noon ni Onyx kung kaya't mapait akong ngumiti.
Pasensya ka na 'tol. Mukhang hindi ko ata matutupad ang pabor na hinihingi mo.
"Don't get too excited, you'll find out soon," nakangisi nitong sabi habang nakatingin sa mga mata ko sa rearview mirror. Tumikhim ako at matapang itong tiningnan.
Kailangan ko ng masimulan ang plano ko.
"Hindi ko hahayaang magtagumpay ang pinaplano ng SAT-PH," seryoso kong saad sa kaniya. Ilang segundo itong tumahimik bago nagpakawala ng isang malakas na tawa.
"What are you going to do? Call the cops?" natatawa nitong sabi.
"Sisiguruhin kong mabubulok kayo sa kulungan sa lahat ng kasamaang ginawa niyo!" sigaw ko sa kaniya. Tumawa lang ito sa mga salitang binibitawan ko sa kaniya.
"Go ahead. Call the cops. Let's see if they will believe that story of yours. Do you really think they will believe that this virus was intentionally created and that wongshintus cirea is nothing but not a faux?" natatawa nitong tanong.
Bingo. Ganiyan nga Eliezer.
"Hintayin mo lang, malalaman din ng lahat itong kabaliwang ginawa niyo," pagbabanta ko sa kaniya. Hindi niya ako sinagot at sa halip ay tinigil nito ang kotse. Tumingin ako sa labas at biglang kinabahan. Maraming puno sa lugar na ito at mukhang wala atang tao. Anong ginagawa namin dito?
Lumabas ito sa sasakyan at binuksan ang pinto sa likuran. Napalunok ako nang itinutok nito ang baril sa akin.
Putek. Kailangan kong makatakas sa mga oras na ito.
"Baba."
Nanlamig ang buo kong katawan pero nilalabanan ko ang takot na nararamdaman ko sa mga oras na ito. Kailangan kong kumalma at makaalis sa lugar na ito.
Dahan-dahan akong lumabas habang ang baril nito'y nakatutok pa rin sa akin. Nang makaapak na ang mga paa ko sa labas, malakas kong hinawakan ang kamay nito na nakahawak sa baril at iniwas ang pagkatutok nito sa akin pagkatapos ay malakas ko itong sinipa.
Napahiga ito sa sahig, muli nitong itinutok ang baril sa akin pero malakas ko itong sinipa kung kaya't natapon ito sa gilid. Akmang babangon na si Eliezer pero malakas ko itong sinuntok sa pisngi.
"Damn yo-
Hindi nito naituloy ang sasabihin niya dahil muli ko itong sinuntok sa kabilang pisngi. Tumayo ako at tiningnan ito ng diretso sa mata.
"Kung akala niyo, magbubulag-bulagan na lang ako sa mga katarantaduhang ginawa niyo, nagkakamali kayo," seryoso kong saad dito at wala na akong sinayang na oras at pumasok sa loob ng sasakyan nito at pinaandar ito. Nakahinga ako ng maluwag nang magsimula na itong umandar. Inilabas ko mula sa bulsa ko digital recorder at pinatay na ang record. Sapat na ang ebidensyang ito. Kailangan ko ng dumiretso ngayon sa pol-
SH*T.
Nabitawan ko sa gulat ang hawak kong digital recorder at natapon iyon sa loob ng sasakyan ni Eliezer. Naramdaman kong nagpagewang-gewang ang sasakyan. Tumingin ako sa side mirror at napamura sa isip ko nang makita si Eliezer na nakatayo sa 'di kalayuan at pinagbabaril ang gulong ng sasakyan.
BINABASA MO ANG
Unended
Science FictionA frontliner courageously fought for survival in the wake of a dreadful virus, only to find out that it was purposefully created to rectify mankind.Is the world coming to an end? No. Or at least not yet.