XXVI

9 2 0
                                    

Makalipas ang isang buwan

"Hoy, Kiko!"

Napapitlag ako nang bigla akong tinapik ni Gio sa balikat. Kanina pa pala niya ako tinatawag. Ang lalim na naman kasi ng iniisip ko eh.

"Para kang naglalakad na zombie 'tol alam mo ba?" natatawang saad nito. Ewan ko ba. Ang dami ko kasing iniisip kanina.

"GOBYERNO, MAGSABI KAYO NG TOTOO!"

"PUBLIKO, DINGGIN NIYO! HUWAG NA KAYONG PUMATAY NG TAO!"

"ANG WONGSHIN AY HINDI TOTOO!"

Nanlaki ang mga mata ko at nagkatinginan kami ni Gio nang madatnan malapit sa ospital ang kumpol ng mga taong nagrarally. Mayroon silang isang malaking banner na may nakasulat na "WONGSHIN IS A JOKE!"

Kinilabutan ako dahil hindi ako makapaniwalang aabot sa ganito. Totoo ang sinasabi nila.

Hindi totoo ang Wongshin Virus.

Napapitlag ako nang biglang lumapit sa amin ang isa sa mga lalaki at may inabot na papel na nakasulat ata ang mga salitang sinisigaw nila kanina.

"Mga Sir, sumali po kayo sa amin. Pinapagod lang kayo ng gobyerno at nilalagay sa unahan nitong giyera na sila mismo ang gumawa!"

Nagkatinginan kami ni Gio at tumikhim.

Alam ko. Alam namin.

"Pasensya na ho kayo. Nagmamadali ho kasi kami kasi may duty pa kami eh," sagot ko at hinatak na si Gio. Tinawag pa kami ng lalaki pero hindi ko na ito nilingon at naglakad na kami hanggang sa makapasok na kami sa loob ng ospital. Nadatnan namin si Light sa station. Binati namin ito pero kagaya ng dati, hindi niya kami pinansin at umalis na para magrounds. Naging ganiyan na si Light dahil sa nangyari noong nakaraang buwan.

Magmula nang malaman nito ang tungkol sa papa niya.

"Sandali 'tol, hindi ba't ito na ang hinihintay nating mangyari?"

Kunot-noo kong tiningnan si Gio sa sinabi nito.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Hindi ba't gusto nating ipaalam sa publiko ang tungkol sa totoo. Ngayon, marami na ang nagsasabing hindi totoo itong virus. Kung ipapakita natin sa kanila ang nakuha nating ebidensya noon, mas marami pa ang maniniw-

"Anong laban natin sa gobyerno?"

Napalingon kami pareho nang dumating si Night dito sa station.

"Pero marami tayo. Marami tayong naniniwalang hindi totoo ang vir-

"Kahit maubos pa ang boses natin kakasigaw diyan, wala tayong magagawa kung ang pamahalaan mismo ang kalaban natin," seryosong saad nito at umalis na rin.

"Lintek na gobyerno iyan. Kung demonyo lang naman ang namamahala rito sa ating bansa, nanaisin ko na lang na umalis dito," naiinis na saad ni Gio.

"Umalis at panoorin na lamang ang pagdanak ng dugo ng kapuwa nating Pilipino?"

Dagli itong lumingon sa akin at hinarap ang katawan niya sa direksyon ko.

"Kinakain ako ng konsensya ko pero alam kong may punto si Night eh. Gusto kong may gawin tayo pero may parte sa aking naniniwalang wala nga tayong magagawa."

Huminga ako ng malalim at yumuko. Kagaya ni Gio, kinakain din ako ng konsensya ko. Magmula ng marinig at malaman naming si Secretary Guerrero ang isa sa mga nasa likod nitong Wongshin Virus, parang gumuho ang pag-asang meron ako noon na maaayos din ang lahat ng ito.

"Hindi ko na alam 'tol. Putek hindi ko na talaga alam ang gagawin ko," naiiling kong sabi sa kaniya.

Umalis na ako at nagsimula ng magrounds. Ilang rooms na ang pinasok ko at napatigil muna ako nang marating ko na ang room nina Kinro noon. Kumirot ang puso ko at mahinang pinihit ang doorknob.

UnendedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon