V

21 3 0
                                    

SAT- PH?

Tulala lang akong nakatingin sa itim na business card na ibinigay ni Doc Mortis bago ito malagutan ng hininga habang nakahiga ako rito sa unit namin. Mag-aalas dos na ng madaling araw pero mukhang hindi ako makatulog sa bigat ng nangyari ngayong gabi. Nagluksa ang buong ospital sa masamang sinapit ng isa sa mga masigasig na doktor nito. Nakalulungkot isiping sa huling hininga ni Doc, iniisip nitong nararapat lang sa kaniya ang sinapit niya bilang kabayaran sa pagkamatay ng isa sa mga pasyente noon. Marahil ay nagkamali siya sa pagsunod sa patakaran hinggil sa virus sa kabila ng kritikal na kondisyon ng pasyente pero hindi ibig sabihin noon ay masama na siyang doktor. Labis din ang pighating naramdaman ni Doc Suero sa kadahilanang nagkaiwasan pa sila ng matalik niyang kaibigan ng ilang linggo dahil sa nangyari. Pero ang labis na nagpapagulo sa isipan ko ngayon ay ang mga katagang binitawan kanina ni Doc Mortis.

"T-they were a-after me."

"S-somebody s-should stop them..."

Ano o sino ang tinutukoy niya? Kaya ba siya naaksidente dahil may humahabol sa kaniya? At sino naman iyon? Iyong pamilya ng pasyenteng namatay noon? Paraan ba nila ito para maghiganti? Hayst putek sino bang puwedeng magsagot ng mga tanong ko na ito? Ayokong mambintang pero sila lang ang pumasok sa isipan ko o baka naman may mga naging kaaway lang si Doc pero mukhang wala naman kasi mabait naman ito. Pero posible naman hindi ba? Teka bat ako nag-iisip ng mga ito? May mga pulis namang nag-iimbestiga. Nurse nga pala ako hindi detective.

Tiningnan ko naman ulit ang itim na business card na hawak ko. Bakit binigay 'to sa akin ni Doc? Ano ito code na kailangan kong idecipher? Baka ito yung sagot sa mga tanong ko kanina.

"Hindi ka rin makatulog tol? "

Muntik akong mahulog sa double-deck bed na hinihigaan ko nang biglang tumayo si Onyx at sumilip sa akin.

"Putek nakakagulat ka naman pre para kang multo diyan, " inis kong sambit rito. Bumuntong-hininga lang ito't umupo sa harap ng maliit na kitchen table rito sa dorm.

" 'Di ako makatulog tol," inis nitong saad at napahilamos sa mukha nito.

"Dahil din ba kanina? " tanong ko sa kaniya at tumango naman ito. Akala ko ako lang ang binabagabag ng mga pangyayari kanina. Pati rin pala si Onyx. Umupo naman ako mula sa pagkakahiga at humarap sa kaniya.

"Noong nagpaiwan ako kanina sa labas, narinig ko mula sa mga sinabi ng mga pulis na may butas raw sa gulong nito.Hindi siya nabundol sa simpleng pamamaneho. Flat yung isang gulong nito kaya baka nagpagewang-gewang ito," saad nito. Nagulat naman ako't naalala ulit ang sinabi ni Doc kanina. Posible bang binutas ng mga humahabol sa kaniya ang gulong nito?

"Pero tol nang tiningnan ko ang butas , yung hugis parang galing sa bala ng baril. Tas maraming butas sa iisang gulong. Parang sinadya, " naguguluhan nitong sabi. Sa sinabi ni Onyx, mas lalong lumakas ang kutob kong baka sinadya nga yung pagkabundol ni Doc. At kung sino man ang tinutukoy nito, marahil ay konektado ito sa itim na business card na hawak ko. Hindi ko muna ipapakita ito kay Onyx hangga't hindi ko nalalaman kung anong ibig sabihin nito. Ayokong dumagdag pa ang impormasyong ito sa mga bumabagabag sa kaniya. At isa pa, masama ang kutob kong hindi maganda ang kung anumang ibig sabihin nito.

"May kilala ka bang mga naging kaaway ni Doc? " tanong ko rito. Nag-isip naman ito saglit at biglang lumaki ang mata nito tila may kung anong ideyang pumasok sa isip niya.

"Hindi sa ano tol ha pero diba nagalit sa kaniya yung pamilya ng pasyenteng namatay? Hindi kaya... "

"Ayoko ring mambintang tol pero iyan din pumasok sa isip ko, " dugtong ko sa kaniya. Mas lalo itong naging problemado't nangalumbaba sa mesa. 

UnendedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon