XXI

9 2 0
                                    

Agad akong napaupo pagkapasok sa dorm namin. Sobrang pagod. Inilibot ko ang tingin sa dorm at mapait akong napangiti habang tiningnan ang bakanteng upuan sa harapan ko.

Nakakapanibago pa rin dahil sobrang tahimik na nong mawala ka, 'tol.

Napailing nalang ako nang maalala ang kaibigan ko. Ayaw ko munang magbalik-tanaw dahil kumikirot ang puso ko. Hindi ko pa rin ginagalaw ang mga gamit ni Onyx at mukhang wala akong balak na iligpit at itago ang mga iyon.

Siguro dahil hindi ko pa rin lubos na matanggap na wala na siya.

Napabuntong-hininga na lamang ako at uminom ng tubig. Kakasabi ko lang na ayokong maging emosyonal ngayon.

Wala pa ring nagbago. Patuloy pa rin sa paglala ang bilang ng mga nagiging positibo sa virus. Marami rin ang namatay sa Pilipinas.  Kumikirot ang puso ko sa mga nangyayari sa bansa lalo na't alam ko ang mga salarin sa likod, nito.

Galit ako pero wala akong magawa.

Biglang pumasok sa isip ko ang sinabi ni Dra.Pacieno sa amin noong nakaraang mga araw. Hindi niya na kailangang sabihin sa amin iyon dahil alam ko naman na nasa panganib ang buhay namin lalo na't alam namin ang tungkol sa SAT-PH. Labag sa kalooban ko pero kailangan kong manahimik.

Dahil ayoko ng mapahamak ang mga taong malapit sa akin.

Napapitlag ako ng tumunog ang cellphone ko at matagal ko munang tinitigan iyon. Matagal na ng huli kong nakausap si Mama. Sinadya kong hindi sagutin ang mga tawag niya noong nakaraang mga araw kasi ayoko pang pag-usapan ang mga nangyari.

Lalo na't alam kong itatanong niya sa akin ang tungkol kay Onyx.

Huminga muna ako ng malalim bago sinagot ang tawag.

"Ma, kam-

[KIKO, ANAK! SOBRA AKONG NAG-ALALA SA IYO!]

Napalayo ako ng kaunti sa cellphone ko nang sumigaw si Mama sa kabilang linya. Parang nakonsensya tuloy ako dahil sa hindi ko pagsagot sa mga tawag niya.

"Okay lang po ako, Ma. Pasensya na kung nag-alala kayo."

Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Mama at narinig ko ang mahinang paghikbi nito.

"Ma? Ano pong nangyari?"

Tanging hikbi lang niya ang naririnig ko sa kabilang linya. Narinig ko ang boses ni Ayen pero agad ding nawala dahil pakiramdam ko ay biglang lumayo si Mama.

[Pasensya na, nak. Wala ako diyan ngayon para damayan ka. Hindi pa rin ako makapaniwala na wala na si..]

Hindi ni Mama natapos ang sinasabi niya dahil patuloy lang ito sa pag-iyak. Biglang kumirot ang puso ko at tumingala ako nang maramdaman ang mga luhang nagbabadyang pumatak mula sa mga mata ko.

Ilang segundo ang nagtagal at wala ni isa sa amin ang nagsalita ni Mama. Tanging iyak lang nito ang naririnig ko sa kabilang linya hanggang sa narinig ko itong tumigil at buntong-hininga.

[Ang dami kong gustong itanong sa iyo, Nak. Kung anong nangyari, papano pero alam kong mahirap pa para sa iyong pag-usapan ang lahat]

Pinunasan ko ang luha ko nang maramdaman ko ang mga ito mula sa mga mata ko.

Tama ka, Ma.Mahirap. Napakahirap.

"Magpapahinga po muna ako, Ma. Kayo rin po. Mag-iingat po kayo palagi," paalam ko sa kaniya dahil mas lalong bumibigat ang pakiramdam ko lalo na't umiiyak si Mama.

[Sige, nak. Andito lang ako lagi para sa iyo. Pinagdarasal kita palagi. Mag-ingat ka diyan].

Ibinaba na ni Mama ang tawag. Uminom muna ako ng tubig at umupo  pagkatapos naming mag-usap ni Mama. Hanggang ngayon, mahirap pa rin sa akin pag-usapan ang lahat. Andaming nangyari at hindi ko na alam kung anong gagawin ko.

UnendedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon