"Eliezer..."
"Aba, may mga bisita pala tayo!" nakangiting saad nito at naglakad papunta sa direksyon namin. Sa mga oras na ito, hindi ko magawang tumingin sa mga kasamahan ko dahil sa takot na nararamdaman ko. Takot sa kung ano ang maaaring mangyari sa amin ngayon.
"Hey! Put that down please, ano ba kayo, tinatakot nyo mga bisita natin," naiiling nitong saad at tumalima naman ang mga guwardya sa sinaad nito. Nagtama ang mga mata namin ni Eliezer at ngumisi ito sa akin. Napalunok ako at tumingin kay Onyx. Nanginginig ang kamay nito habang hawak ang baril na ngayon ay nakatutok kay Eliezer.
"Huwag mong sasaktan ang mga kasama ko!"
Nanlaki ang mga mata ko nang sumigaw si Onyx at itinaas ang baril nito't tinapat kay Eliezer. Tumawa lang ito't lumapit kay Onyx. Tumingin ito sa gilid kung saan nakahiga sina Dra. Pacieno at ang guard na hinampas kanina ni Onyx ng bakal. Gumagalaw ang mga ito at pilit na bumangon pero hindi nila magawa dahil sa lakas ng pagkakahampas ni Onyx kanina at tinamaan silang dalawa sa likod.
"You're really brave, Macabre, I never really doubted you," natatawang saad nito. Sinenyasan niya ang ibang mga gwardyang buhatin sina Doc at ang isa pang nakahiga roon.Hinawakan nito sa balikat si Onyx at humarap sa amin.
"Huwag kayong mag-alala, hindi ko sasaktan ang mga kaibigan mo. Let's go inside, shall we? Hindi ba't marami kayong gustong malaman tungkol sa lugar na ito?" biglang seryosong saad nito at tumalikod at nagsimulang maglakad.
"Onyx!"
Napatayo ako nang muling itinutok ni Onyx ang baril nito sa likod ng ulo ni Eliezer. Napasinghap naman ang mga kasama ko sa ginawa nito. Putek naman oh, maling galaw lang namin dito, mamamatay kaming lahat.
"Hayaan mo ng umalis ang mga kaibigan ko, kung hindi ipuputok ko 'to!" sigaw nito. Itinaas ng mga gwardya ang mga baril nila't itinutok kay Onyx pero sinenyasan sila ni Eliezer na ibaba ito. Dahan-dahan itong lumingon at hinawakan ang baril na hawak ni Onyx at ngumisi. Sa mga oras na ito, hindi ko na alam ang gagawin ko. Tumingin ako kina Light at nakitang nakayuko lamang ang mga ito.
"Ako nalang ang magpapaiwan dito. Paalisin nyo mga kaibigan ko, ako naman nagdala sa kanila rito."
Gulat akong napatingin kay Night nang tumayo ito't magsalita. Hinawakan ito ni Light at pilit na pinaupo pero hindi ito nagpapatinag.
"You guys are so entertaining! You're Cantiller's son right? You're just like your father," natatawang saad ni Eliezer.
"Don't worry, hindi ko kayo sasaktan. Samahan nyo ko sa loob. Ayaw nyo bang malaman ang lahat ng tungkol sa virus?" seryosong saad nito at naglakad na pero hindi pa ito nakakalayo nang lumingon ito't tiningnan kami isa-isa.
"At isa pa, marami kayong dapat malaman tungkol sa kaibigan niyo. Hindi ba, Leonyx Macabre?" nakangising saad nito at tumalikod. Kumunot ang noo ko't tumingin kay Onyx at nakita ang dahan-dahang pagbaba nito ng baril na hawak niya. Ang bilis ng tibok ng puso ko.
"Onyx, what is he talking about?" tanong ni Light dito. Lumingon ito't tipid na ngumiti sa amin.
"Halina kayo," sambit nito at nauna ng maglakad. Nagkatinginan kami ni Light at sinalubong ako ng nagtatanong nitong mga mata.
"Sumunod na tayo, guys. Ito yung pinunta natin dito, 'di ba?"
Sinundan namin ng tingin si Gio nang naglakad ito't sumunod kay Onyx.
"We don't have a choice, do we?" nag-aalangang saad ni Franie. Tumango ako sa kanila at naglakad na kami papunta sa kinaroroonan nina Eliezer. Ang daming tanong na bumubuo sa isip ko pero ni isa ay walang lumabas sa bibig ko.
BINABASA MO ANG
Unended
Science FictionA frontliner courageously fought for survival in the wake of a dreadful virus, only to find out that it was purposefully created to rectify mankind.Is the world coming to an end? No. Or at least not yet.