XV

8 2 0
                                    


[Good morning, Kuya! Kamusta po kayo diyan?]

"Okay naman ako rito. Kamusta na pakiramdam mo? Wala ka naman bang nararamdamang kung ano?" tanong ko sa kapatid ko.

Kasalukuyan kaming umiinom ngayon ng kape ni Onyx bago pumasok sa duty namin. Dalawang linggo na ang lumipas at wala pa ring humpay sa pagtaas ang kaso ng virus sa bansa. Dalawang linggo na rin ang lumipas pagkatapos pumanaw nina Tita Martha at Doc Lucena. Noong nakaraang araw lang din ay pumanaw si Mang Tibor na nagpositive noon sa virus. Napahigpit ang hawak ko sa hawakan ng tasa ko habang inaalala ang lahat ng mga nangyari.

Dalawang linggo na rin akong kinakain ng konsensya ko.

[Kuya? Andyan ka po ba kuya?]

Napapitlag na lamang ako nang muling marinig ang boses ng kapatid ko. Nilipad na naman pala ang isip ko. Ilang araw na rin akong walang matinong tulog dahil sa maraming bagay na bumabagabag sa akin.

"Oo, si Mama nga pala? Kamusta sya?"

[Nagluluto po siya ngayon, Kuya. Sige, kuya, tutulong po muna ako kay Mama. Babye!]

"Sige, ingat kayo diyan palagi!"

Ibinaba ko na ang cellphone ko at humugot ng isang malalim na buntong-hininga. Masaya akong naging maayos na ang lagay ng kapatid ko pero sa tuwing naalala ko ang mga buhay na nawala na siyang nasaksihan mismo namin sa ospital, hindi ko mapigilang makonsensya.

"Tol, lalim naman ata niyang iniisip mo?"

Napabalik naman ako sa huwisyo nang magsalita si Onyx. Tumingin ako sa kaniya at nakita itong nakakunot ang noo habang nakatingin sa akin.

"Tol, may tanong ako," nag-aalangan kong sabi sa kaniya. Napatuwid naman ito ng upo at tumingin ng seryoso sa akin. Napalunok muna ako at sinalubong ang mga mata nito.

"Paano kapag naipit ka sa sitwasyon na kung saan nakasalalay ang kapakanan ng taong mahal mo at ng nakararami. Sino ang uunahin mo sa kanila?"

Nakita ko kung paano magsalubong ang kilay nito sa tinuran ko.

"Seryoso naman iyan, pre. Parang essay ata sa philosophy nating subject iyang tinatanong mo eh," saad nito.

"Naisip ko lang kasi. Parang ang hirap kasi 'pag napunta sa ganoong sitwasyon," sabi ko naman sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit ko tinatanong kay Onyx ito pero ewan ko ba. Talagang naguguluhan na ako sa kung ano ba ang tama kung gawin dahil pakiramdam ko, sasabog na ang utak ko dahil hindi talaga ako patatahimikin ng konsensya ko.

"Kung ako ang nasa ganoong sitwasyon, siguro hahanap ako ng paraan para lahat maligtas. Syempre may paraan naman siguro para maligtas ang taong mahal mo at ng nakararami nang walang sinasakripisyo," sabi nito. Napakunot pa lalo ang noo ko. Sa sitwasyon ngayon, posible bang iligtas ko ang kapuwa ko Pilipino nang hindi malalagay sa pahamak ang pamilya ko?

"Pero paano kung kailangan mong pumili sa dalawa?"

Napatingala naman ito sa tinanong ko at uminom muna ng kape bago muling sinalubong ang naguguluhan kong mga mata.

"Bakit kailangan pang pumili kung pwede mo namang iligtas pareho?" patanong din nitong sagot sa akin.

"Kung papipiliin nga 'tol eh,"sagot ko rito at umaktong itatapon ang pandesal na hawak ko sa kaniya. Tumawa lamang ito sa inasta ko.

"Sabi sa'yo huwag ako ang kausapin mo sa mga ganiyan pre eh," natatawa nitong sabi.

Natawa na lang din ako at bumihis na kami at lumabas sa unit namin. Napadako ang tingin ko sa bakanteng unit ni Tita Martha sa tapat namin. Napakabilis ng mga nangyari. Hindi ko pa rin lubos na matanggap na wala na si Tita. Alam kong kagagawan ng SAT-PH ang nangyari sa kaniya. Napayukom ang kamao ko habang iniisip ang maaaring ginawa nila kay Tita Martha. Posible bang nalaman nilang sinabi ni Tita Martha sa akin ang tungkol sa organisasyon nila?

UnendedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon