"It's Strychnine, a highly-poisonous compound."
Huminga ako ng malalim at pilit pinakalma ang sarili ko nang makumpirma nito ang hinala ko.
"A poison? Where did you get that?" kunot-noong tanong sa akin ni Light. Nandito kami ngayon sa PRDO dahil nagpatulong kami sa papa ni Light para alamin ang kung anong laman ng vial na natagpuan ko sa room nina Tita Isabel.
"Ano pong epekto sa tao kapag nainjectan ng strychnine?" tanong ko sa papa ni Light. Hindi ko nasagot ang tanong ni Light dahil sa mga oras na ito, pinipigilan ko ang sarili kong alalahanin ang nangyari at nakita ko sa ospital sapagkat pilit kong pinapakalma ang sarili ko kahit na kanina ko pa gustong magwala sa galit.
"Well, it has extreme consequences on human. It can cause severe and painful muscular spasms, seizures and possibly death."
"Kaninang madaling-araw, nag seizure si Kinro at dinala ito sa ICU kanina."
Napahilamos ako sa mukha ko at napaupo. Mabilis na mga paghinga ang pinakawalan ko dahil sa balitang nalaman ko. Tama nga ang hinala ko.
"Can you please explain what on earth is happening?" tanong ni Light sa akin. Hindi ko ito sinagot at hinila na lamang palabas. Bago pa kami lumabas ay nagpasalamat muna kami sa papa ni Light. Mabuti naman at hindi na ito nagtanong pa tungkol sa lason na iyon.
"Kiko! What's going on?" marahas akong tinulak ni Light nang tuluyan na kaming makalabas sa lab. Napasandal ako sa pader at hindi ko na namalayan na tumutulo na pala ang mga luha ko.
"Nilason nila. Nilason nila si Kinro."
Nakita ko ang paglaki ng mata si Light sa sinabi ko. Hindi na ito nagtanong pa at tiningnan lamang ako habang umiiyak.
Putek. Ito ba ang naging kabayaran ng pananahimik ko?
Kinro, pasensya ka na. Hindi kita nailigtas sa katarantaduhan ng SAT-PH.
"Hindi na dapat nangyari 'to kung may ginawa ako eh. Hinayaan ko lang na lasunin nila si Kinro!"
"Dude, it's not your fault. No one wan-
"Naiintindihan mo ba ako, Light? Alam ko at alam nating ang tungkol sa lason na iyan at sa SAT-PH pero wala tayong ginawa. Hinayaan nating mangyari 'to!" bulyaw ko sa kaniya. Tumingin ito sa paligid para siguruhing kami lang ang nandito sa hallway bago ako hinarap at hinawakan sa magkabilang-balikat.
"What else can we do? Intervene and put our life at stake?" galit nitong sigaw sa akin at hinigpitan ang hawak sa balikat ko.
"Eh, anong gagawin natin?Tutunganga lang dito at hintaying may sumunod pa kay Kinro?"
"Gumising ka, 'tol! Ano? Maghihintay lang tayo rito na may mamatay na naman na pasyente dahil sa paglalason nila?" dagdag kong sabi.
Natandaan ko bigla ang naging pag-uusap namin ni Night noon.Tama siya. Masyado lang akong nilamon ng takot noon kaya ayoko ng mangialam pero ngayon, alam ko na ang gusto kong ipaglaban.
"F*ck. Do you think I wanted all of this sh*t to happen? For Pete's sake, I don't want anybody to f*cking die but I can't do anything," bulyaw nito at bumitaw sa balikat ko at napamasahe sa sentido niya.
"Naiintindihan kita, Light. Takot din ako noon. Ayoko ng mangialam dahil ayokong may mapahamak na taong malapit sa akin pero hindi kakayanin ng konsensya ko ang manahimik na lang."
Napaupo ito at napahilamos sa mukha niya.
"I'm sorry, Kiko. I'm out of this," mahinang tugon nito. Tiningnan ko muna ito ng ilang segundo bago tumango.
BINABASA MO ANG
Unended
Science FictionA frontliner courageously fought for survival in the wake of a dreadful virus, only to find out that it was purposefully created to rectify mankind.Is the world coming to an end? No. Or at least not yet.