VI

11 3 0
                                    

"P-pauman-

"Who are you? What are you doing inside my office?!"

Sa gulat ay nabitawan ko ang itim na aklat na binuklat ko kanina kung kaya't galit siyang lumapit sa akin at pinulot ito. Naalarma naman ako at sa kaba't pagkagulat ay nilagay ko ang litratong hawak ko sa bulsa ko't umatras malapit sa pintuan. Hindi naman narinig ng mga tao sa labas ang pagsigaw ng dumating na siyang sa tingin ko'y si Eliezer Catubuan dahil marahas nitong sinara ang pintuan kanina nang pumasok ito't naabutan akong nangingialam sa mga gamit niya. Putek gusto kong magpalamon sa lupa sa mga oras na ito. Nakakainis talaga parang nahuli akong gumagawa ng karumal-dumal na krimen. Ngayon lang ako kinabahan ng ganito sa buong buhay ko kainis bakit pa kasi ako pumasok dito.

"S-sorry po sir, wala naman po akong ginagawang masama tumi-

"Walang ginagawang masama? Do you think it's okay to just barge inside someone's office and meddle with their things?" singhap nito't galit akong tiningnan.

"Maniwala po kayo, wala po akong ginawang masama. Hinahanap ko po kasi kayo kanina, akala ko nandito kayo sa office niyo, " kinakabahan kong saad dito. Pinagpapawisan na ako kahit ang lamig ng aircon dito putek hiyang-hiya ako sa ginawa ko.Nagmukha akong magnanakaw.

"Don't fool me kid, I'm calling the guards, " pagbalewala nito sa sinabi ko at inilabas ang cellphone niya't may tinipa doon. Gag- tatawag talaga siya ng guards? PUTEK!

"S-sir wala po akong ginawang masama. Kasama ko pong pumunta dito sa building si Mr. Cantiller at siya ang nagsabing dito ang lab niyo sa second floor, " depensa ko sa sarili ko. Putek sorry liwanag, dinamay ko pa papa mo. Ewan ko rin bakit ganoon ang lumabas sa bibig ko.

Gulat naman ako nitong tiningan at ibinaba ang cellphone niya.

"Cantiller? He told you to go here inside my office? " kunot-noo nitong tanong at diretso akong tiningan sa mga mata.

"Hindi po! Sinabihan niya po akong humintay sa baba kaso hindi ko alam ang mukha niyo kaya umakyat na lang ako rito," mabilis kong pagtanggi. Baka mamaya pati papa ni Light pagalitan niya pa. Dalawa na ang naging kalaban ko kung ganoon. Ang daming kamalasang nangyari sa akin ngayon. Sana talaga sinama ko rito si Liwanag.

"Are you acquainted with Cantiller?" tila naiinis nitong sabi. Putek wrong move palang dinawit ko ang pangalan ng papa ni Light. Nakalimutan kong hindi pala maayos ang relasyon nilang dalawa. Utang na loob gusto ko ng umalis dito. Pero hindi naman puwedeng hindi ko ipaalam sa kaniya ang totoong sinadya ko rito.

"Hindi po, siya lang ang tumulong sa akin para mahanap kayo. May gusto po kasi akong sabihin sa inyo. "

Tinalikuran ako nito't umupo sa upuan dito sa opisina niya't naiinip akong tiningnan.

"You have a minute to spill it. It should be substantial or else I'm calling the guards. You're fortunate that I'll spare some time to listen to you, " seryoso nitong saad at diretso akong tiningnan sa mata. Napalunok naman ako't kinakabahan siyang tiningnan pabalik. Kung nakikita lang ako nina Onyx ngayon, siguradong pagtatawanan nila ako. Kabadong-kabado ako ngayon mga pre.Ikaw ba naman nahuli kang nangingialam ng gamit dito tas muntik ka ng ipadampot sa mga guards, hindi ka ba kakabahan? Putek kasalanan ko naman kasi, sana hindi na ako pumasok dito.

"Tungkol po sa nanay niyo, ano po kasi, nakaconfine po siya ngayon sa ospital na pinagtatrabahuh-

"Nanay ko? Huwag mo nga akong pinagloloko bata. Naroon siya sa tinitir-

"Hindi po. Positive po siya sa Wongshin Virus Disease, " pagputol ko sa sasabihin niya. Gusto kong mainis ngayon pero wala akong karapatan. Hindi man lang ba niya kinakamusta ang nanay niya para hindi malamang wala na pala ito ngayon sa tinitirhan niya at nakaconfine sa ospital? Ganoon na ba siya kaabala sa trabaho niya para hindi man lang tingnan ang kalagayan ng nanay niyang hinayaan niyang manirahan ng mag-isa? 

UnendedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon