XIX

13 2 0
                                    

"Parte ako ng SAT-PH."

Napako ang tingin ko kay Onyx nang binitawan niya ang mga salitang iyon. Gusto kong bawiin nito ang sinabi niya at sabihing nagbibiro lang siya sa mga oras na ito pero halos isang minuto ang lumipas at hindi na ito nagsalita.

"Pinagloloko mo ba kami?" tanong ni Night.

"Onyx, you can't be serious, right?" dagdag pa ni Franie. Marami akong gustong itanong kay Onyx pero ni isang salita walang lumabas sa bibig ko.

"Miyembro ako ng SAT-PH. Isa ako sa mga naglalason sa pasyente sa ospital," seryosong sagot nito.

"TARANTADO KA!"

Bigla itong sinugod ni Night at sinuntok na siyang nagpatumba kay Onyx. Dumapa si Night at marahas itong hinawakn sa magkabilang-balikat nito. Hindi ko maigalaw ang mga paa ko at pinanood lang sila. Maski si Light ay hindi rin nagawang pigilan ang kakambal nito at hindi na rin siya lumapit upang hatakin si Night.

"BAKIT MO 'TO GINAWA HA?" sigaw ni Night habang nakahawak sa mga balikat nito. Tahimik lang si Onyx na nakatingin sa kaniya. Hindi man lang ito nagpatinag sa ginagawa ni Night sa kaniya.

"Night, tama na iyan."

Nagulat ako nang biglang lumapit sa gawi nila si Gio at hinatak si Night papalayo kay Onyx. Sinubukan pa ni Night na lumapit pero malakas itong tinulak ni Gio papunta sa direksyon namin. Tumayo naman si Onyx na parang wala lang. Tila hindi man lang ito naapektuhan sa ginawa ni Night sa kaniya.

"That's enough drama, everyone!"

Nakuha ang atensyon naming lahat ng pumalakpak si Eliezer.

"Okay, going back to what I am telling you earlier, since we're a little bit impatient to reach the quota, we resort to poisoning. Don't worry guys, we won't cheat anymore, we'll strive to reach that quota. But, I can't promise though," sagot nito at tumawa. Hindi na lubos na pumapasok sa isip ko ang mga salitang binibitawan ni Eliezer dahil nakatingin lamang ako kay Onyx. Hindi ko alam pero hindi ko magawang magalit sa kaniya. Nilason nya ang mga pasyente.

Tol, hindi mo naman iyan magagawa 'di ba?

Gusto kong kausapin ngayon si Onyx dahil putek marami akong tanong sa kaniya. Parang kapatid ko na siya at maloko man siyang tao, alam ko namang hindi niya magagawang pumatay ng iba.

"And your friend here is helping us to achieve our mission. Quite unbelievable? Well, it looks like you never really know your friends."

Parang may kung anong karayom ang tumusok sa puso ko sa mga katagang binanggit ni Eliezer. Nagkamali ba talaga ako ng iniisip sa'yo, Onyx?

Kilala nga ba talaga kita?

"Anyways, he's just one of our hands. Hmmm, there's someone that you knew very well who also worked with us. But he's a coward. He wanted to quit and expose everything so he met his demise. Too bad," naiiling nitong saad.

Sa mga binanggit ni Eliezer ay may biglang ala-ala ang pumasok sa isipan ko. Hindi kaya-

Flashback

T-they were a-after me, " nahihirapan nitong sabi. Kunot-noo ko naman itong nilingon sa sinabi niya.

"Doc, huwag po muna kayong magsalita nang sa gayon ay-

"S-somebody s-should stop them. T-this, " saad nito at may dinukot sa bulsa nito't inabot sa akin. Kunot noo ko namang tiningan ang black na parang business card na binigay niya sa akin.

"Ano ito Doc? "

"I-it's t-the o-one res... res... "

End of flashback

UnendedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon