"SAKALING MAKALIMUTAN MO S'YA"
Napakaingay ng paligid. Nakakalulang tingnan ang mga tao sa paligid. Nakakapaso ang sikat ng araw na siyang dumadampi sa aking balat.
Lumuwas muna ako ng Maynila para maghanap ng mapapasukang trabaho habang naghihintay ng resulta ng exam ko sa nakuha kong kurso na VetMed. Ayukong umasa na lang kay Kuya na ako na lang palagi ang palinapalamon sa palad niya. Since, malapit na rin siyang i-kasal sa fiance nito. He is a Doctor and Nurse naman ang magiging asawa niya.
Alas sais na ng gabi pero naglalakad pa rin ako sa kalye. May katagpuan kasi akong dapat na kitain, ang kaibigan ni Kuya. Iniabot ko sa kaniya ang regalong galing kay Kuya. I don't know kung anong laman no'n hindi naman ako pakialamera.
"Pakisabi na lang sa kay Doc. Thomas na salamat dito sa regalong ito." He tap my shoulder.
"I will po, Doc. Sison. By the way, happy birthday again." I greet him from the bottom of my heart. "Sorry, kung wala akong regalo sa inyo wala pa kasi akong trabaho at pera ngayon para makabili ng regalo." Napahawak ako sa batok ko at nahihiyang tignan siya.
"It's okay. Ang magpakabait ka lang sa kuya mo okay na iyon sa akin. O siya I have to go na gabi na rin kasi. Ah! Sumabay ka na lang kaya sa akin. Saan ka uuwi?" Boluntaryo at tanong niya sa akin.
Ngumiti na lang ako at sinabi ko na "Ayos lang po ako. Malapit lang ang hotel na pansamantala kong uuwian. Saka po alam ni Kuya kung saang hotel po 'yon."
"O-okay. Mag-iingat ka gabi na ohh." Tumingala siya sa langit at binalik din naman agad ang tingin sa'kin.
"Kayo rin po. Mag-iingat kayo sa asawa niyo este sa pagmamaneho." Napangisi ako at kinurot ang taligiran para pigilan ang bibig ko. Babaero kasi ang Doktor na 'to. HAHAHA.
Pagkatapos naming magkita ng kaibigan ni Kuya sa may Caffeteria naglakad lang ako papunta sa Sunflower Hotel. Malapit lang naman kasi 'yon dito.
Habang naglalakad isang kotseng bumubusina sa aking likuran at pagiwang-giwang ang takbo nito. Masasagasaan na ako sa pagmamaneho niya. Nagblangko rin ang utak ko kaya sa halip na tumabi napa upo ako at tinakpan ang aking mga mata. Sa kabutihang palad ay huminto ang kaniyang kotse.
Dahan-dahan kong binuksan ang aking mga mata. Nagulat ako na malapit lang sa mukha ko ang kinalalagyan ngayon ng kotse. Tumayo ako at matapang na pinapalabas ang driver.
"Hoy! Lumabas ka nga diyan. Baba!" Pinagpapalo ko ang kaniyang kotse.
Maya-maya ay lumabas ang driver ng kotse.
"S-sorry." Paumanhin niya at suminok.
Nilapitan ko siya at amoy alak ito.
"Ha? Sorry? Malapit mo na nga akong masagasaan sorry pa rin ang isasagot mo sa akin ngayon ha?" Naiiritang sinusumbatan ko ang driver ng kotse.
"A-ano ba ang dapat isagot ko sa'yo?" Nang iinsultong tanong nito at suminok ulit.
"Paano kung namatay ako sa ginawa mo ha? Paano kung nakapasa pala ako sa board exam tapos nasa sementeryo na ako e, 'di sayang lang ang perang binayad ko para sa future ko." Walang preno ang aking bibig sa panunumbat sa kaniya.
Lumapit siya sa akin at nilapit ang kaniyang bibig sa aking tenga. Kumakabog ng malakas ang aking dibdib dahil baka may masamang gagain siya sa'kin.
"M-mabuti ka pa nga buhay pa pero siya patay na." Bulong niya sa akin. Kinilabutan ako sa bulong niya.
"H-ha? A-an—" bigla siyang yumakap sa'kin. "Hoy, hoy!" Tinutulak ko siya ng dahan-dahan para ilayo siya sa akin. Naririnig ko rin ang malakas na hilik niya.
Gusto ko nang pumunta ng sunflower hotel para mag half bath at mag-relax as of now. Pero binigyan pa ako ng problema.
Dahan-dahan ko siyang pinasok sa kotse at kinabit ang seat belt sa kaniya. Kinuha ko ang pitaka niya at may nakita akong personal id.
Isagani Guerrero ang full name niya 25 years old. Nakasulat din dito ang adress niya.
Pumasok na rin ako sa kotse at nagmaneho. Habang nagmamaneho ako ng kotse may sinasabi siya.
"M-mahal na m-mahal kita Zen. S-sorry kung wala akong nagawa. Hindi kita nailigtas. S-sorry." Pinagbubundol niya ang kaniyang ulo sa bintana ng kotse.
Tinignan ko siya at nakaramdam ako ng awa sa kaniya. Hininto ko muna ang kotse at hinayaang magdrama. Akala ko magpapatuloy ang pagda-drama niya hindi naman pala.
Tinitigan ko siya ng maigi. Kanina nang magtama ang aming mga mata he have a brown eyes and beautiful eyebrows. Kissable lips at medyo matangos ang kaniyang ilong. Makinis din ang kaniyang pisngi parang hindi siya tinatablan ng mga tigyatawat.
Nakapagtataka nga lang guwapo naman siya at disente pero bakit siya nagpapakalasing?
Ano naman ang sinasabi niya kanina na mabuti pa raw ako buhay pa hindi katulad niya. So gusto niya akong mamatay? Sino ba ang lalaking ito?
Isa lang ang nakatitiyak ako malungkot siya. Nakikita ko sa kaniyang mga mata at bakas rin ang takot.
Finally, nandito na kami sa Misaki Village. Ang lalaki at galante ng mga bahay ng mga nandito sa loob ng village. Nagbusina na rin ako para makapasok. Nagtanong ako sa guard na nandoon kung saan ang bahay nitong lalaking ito. Agad namang tinuro ng guard ang bahay niya.
@mayo
If you love this part kindly follow and vote for more. THANK TOU!
YOU ARE READING
SAKALING MAKALIMUTAN MO SYA
RandomLove is the best medicine to all pain but what if love is the reason why we feel pain? What is the best medicine to this or remedy that we can give to a perso who suffer a deep pain? Maybe happiness and new memory to a new person? Kairi, met the guy...