ISAGANI's P.O.V
Nagkakilala kami ni Zen sa isang studio kung saan nagmo-model ako. Dinala kasi siya do'n ni Xyriel, pinsan niya. Nang pinakilala siya ni Xy sa akin na love at first sight ako rito. Kaya naman agad akong kumilos na ligawan ko siya. Pumayag naman si Zen na ligawan ko siya pero tumagal muna bago maging kami.
Hindi ko rin naman alam na pati si Xy ay matagal na akong gusto. Kaya naman madalas nagbabangayan ang magpinsan sa aking harapan. Isang taon akong nanligaw kay Zen bago naging kami.
Pero no'ng pinakilala na ako ni Zen sa pamilya niya ay hindi ako tanggap ng mga ito.
"Ano ba ang pumasok diyan sa isip mo, Zen? Hindi ka magkakaroon ng kasintahan sa isang model lang. Ang bagay sa'yo ay si Ethan 'yong anak ng isang businessman. Wala ka diyang mapapala sa lalaking 'yan. Maybe one week or month naghanap na 'yan ng kapalit mo," sumbat ng Daddy ni Zen sa kaniya.
"I told you, Dad. I don't like him. Sa mukha palang ng lalaking 'yon parang cheater na. Saka malaki na ako alam ko na ang ginagawa ko, Dad. Hayaan niyo naman akong magdisesyon sa buhay," wika ni Zen.
"Hoy!" Tinuro ako ng kaniyang Mommy. "Ano ba ang pinakain mo sa anak ko ha? Bakit ikaw ang pinipili niya. Wala siyang kinabukasan sa'yo!" sigaw ng Mommy niya sa'kin.
"Patutunayan ko po sa inyo na mali kayo ng iniisip. Mahal ko po si Zen. Please allow me to love your daughter. Promise hindi ko po siya lolokohin," pangako sa kanila.
Kahit anong gawin ko ay hindi pa rin nila matanggap na ako ang pinipili ni Zen. Gusto kasi ng mga magulang niya na business man ang makasama nito.
Pilit nila akong pinapaalis sa bahay nila. Pinagbawalan din nilang lumabas si Zen. Hanggang sa doon ko nalaman na mayroon pala siyang hika. Sa sobrang iyak niya kanina ay halos maubosan siya ng hininga. She can't breathe kaya dinala siya kaagad sa hospital.
Mula sa labas ng hospital patuloy pa rin ang panunumbat ng kaniyang magulang sa akin.
"Kita mo na ang nangyari sa anak ko? Kasalanan mo 'to!" Tinulak din ako ng kaniyang Ama. Pilit na pinagtatabuyan.
"But I am was worried about her," I said.
"You don't need to worry about her. Nandito kami sa tabi niya and she doesn't need you. So, go!" Tinuro nila ang pathway papunta sa labas ng hospital.
Umalis nalang ako sinunod sila pero hindi mawala sa'kin ang kaba at pag-aalala kay Zen.
Dalawang araw ang nakalipas ay nakalabas na siya sa hospital no'n. Agad ko siyang chinat at nag-reply ahad siya. Panay ang sorry niya sa akin pero I ignore it. Mas binigyan ko ng pansin ang kaligtasan niya.
Dahil sa pagmamahal ko kay Zen patago na kaming nagkikita at madalas ay mag-ala ninja at maging akyat bahay para makita lang siya. Doon din natutunan ni Zen ang tumakay sa kanilang bahay para makapag bonding lang kaming dalawa.
Gusto niyang malibot ang paligid at makita ang ganda ng mundo. Nilihim naming pareho ang pagkikita namin ng patago sa magulang niya. Hanggang sa nakita kami ni Xy at sinumbong sa mga magulang nito.
Kaya naman bilang pagrespeto sa kanila hinarap ko ang mga magulang niya ulit. Sa pagkakataong 'yon pinaglaban ko na si Zen.
"Hindi ka talaga masabihan ng isang beses lang. Ang titigas ng ulo niyo! Lalo ka na Zen. May hika ka pa naman at kunting galaw mo lang at langhap ng hangin ay hinihika ka na. Nakakapagod mag-alala sa'yo kung hindi ka nakikinig sa amin ng Mommy mo."
"Sorry, Dad and Mom. Pero hindi niyo rin ba naisip na tuwing wala kayo hinahanap ko ang yakap, tawa, at pagmamahal maging pagkalinga niyo sa'kin? When I met Isagani pinaramdam niya sa akin na mayroong tao na nandiyan para pawiin ang lahat ng iyon. Please, accept him as my boyfriend."
"Sir, Ma'am I am so sorry po if nagawa kong mahalin ang anak niyo. Pero kahit anong pagpapahirap niyo ang gagawin niyo sa akin ay lalampasan ko hanggang sa matanggap niyo ako," wika ko.
"Gano'n? Tingnan lang natin ang tibay mo!" Sa tono ng pagsasalita ng kaniyang Ama ay parang tinatanggap niya ang hamon ko.
Nilalayo nila si Zen at parang pinaglalaruan nila ako. Tinatago at pinagkakait na makita siya. Pero hindi ako sumuko. Patuloy pa rin ako hanggang sa ang mga magulang na niya ang sumuko sa'king pangungulit.
Sa wakas, they accept me na. Araw-araw na akong nasa bahay nila Zen. Palagi na nila akong niwe-welcome sa bahay nila at kasama mag-dinner.
Dito rin kami nagkasundo na magtayo mg business kasama sila David. Ang restaurant sa umaga at bar sa gabi. Ang pera na pinuhunan namin ay sa pagmo-model ko at kaniyang sariling patahian. Naging sucessful 'yon.
Hanggang sa isang araw, nasa studio ako no'n para sa modeling ko at ang mga magulang ni Zen ay nasa business trip. Isang lalaki ang tumawag sa akin at humihingi ito ng ransom. Para makasigurado na nasa kanila nga si Zen ay pinasalita ito sa cellphone.
Sobra ang pag-aalala ko dahil baka mawalan ng hininga si Zen dahil sa hika nito.
"Okay I will give the ransom na. Send the adress and I will go," wika ko sa mga kidnappers.
Mga nasa kahating milyon ang hinihingi ng mga ito kapalit kay Zen. Hindi ko na rin pinaalam ito kahit na kanino dahil alam kong matataranta rin sila at ito ang pagkakamaling nagawa ko.
Pati sa parents niya ay hindi ko pinaalam. Pero nagtaka na ako dahil bakit hindi sa mga magulang ni Zen ito tumawag? Bakit sa'kin?
Pumunta ako sa nasabing lugar na kung saan ko kikitain ang mga kidnappers. Pagdatimg ko roon nagulat ako dahil sinalubong ako ni Xy. Doon ko rin nalaman na si Xy ang nagpakidnap kay Zen.
Kapalit sa kalayaan ni Zen ay dapat hiwalayan ko ito at piliin si Xy. Wala naman akong gusto kay Xy kaya naman mas pinili ko pa rin si Zen.
Naging baliw na si Xy sa akin. Pati ako ginapos. Pinabubugbog niya ako sa lalaking kumidnap kay Zen.
Nang makahanap kami ng tiyempo ni Zen pinilit naming makatakas. Hanggang sa magawa nga namin 'yon. Pero bago kami makalabas ay nakipagsuntukan pa rin ako sa mga nagbabantay sa amin.
Nakalayo kami roon sa lugar na 'yon. Akala namin hindi na kami masusundan ng mga lalaking kumuha kay Zen. Kaya wala akong nagawa kundi bilisan ang takbo ng kotse. Binigyan ko rin si Zen ng inhaler para makahinga siya ng maayos.
Sa pakikipaghabulan namin ay nakabangga ang kotse na sinasakyan namin sa malaking puno. Nakabadol ang aking ulo sa manobela gano'n din si Zen.
Pagkamulat ng aking mata agad kong tiningnan ang sitwasyon ni Zen. Lalabas na sana kami ng kotse dahil maya-maya ay sasabog na ang kotse. Pero napakamalas naman dahil naipit ang kaniyang paa. Sinusubukan kong tanggalin kaya lang ayaw talaga.
"Hihingi ako ng tulong. Dito ka lang ha. Babalikan kita."
"No, ayuko. I'm afraid, Isagani. Don't me leave me alone. Please!" Umiiyak siya at pinipigilan akong umalis.
"Listen, I love you Zen kaya kailangan kong humingi ng tulong. Okay?" Babalik ako promise." Lumabas ako ng kotse.
Mga ilang hakbang lang ang hinakbang ko ay biglang sumabog ang kotse kasabay no'n ay tumilapon ako.
Pagkagising ko nasa hospital na ako at may paso ang katawan. Nabalitaan ko rin na namatay si Zen. Hindi ko magawang sabihin ang totoong nangyari dahil tinatakot ako ni Xy. Bina-black mail niya ako.
To be continued...
YOU ARE READING
SAKALING MAKALIMUTAN MO SYA
RandomLove is the best medicine to all pain but what if love is the reason why we feel pain? What is the best medicine to this or remedy that we can give to a perso who suffer a deep pain? Maybe happiness and new memory to a new person? Kairi, met the guy...