"SAKALING MAKALIMUTAN MO SIYA"
2 weeks na ang nakalipas simula no'ng binuksan ni Isagani ang business niya. Just like the first day of our opening gano'n pa rin ang dami ng mga customers namin parami nang parami. No'ng byernes nga ay mayroong pumunta sa amin na kami raw ang magki-cater sa kasal nila. Agad naman namin 'yong tinanggap.
Pati 'yong bar tuwing gabi sobrang dami ang dumadagsa at maraming mga band ang gustong tumugtog.
Nakikita ko na rin kay Isagani na iba na siya ngayon kompara no'ng nakilala konsiya. Sabi nila Luke unti-unti na ngang bumabalik sa dati si Isagani. Well, kita naman sa kaniyang mga mata na sobrang saya niya habang nakikita niyang successful ang kaniyang business.
Isang gabi, habang naghahatid ako ng mga orders ng mga customers ay nakita kong may kausap siyang isang babae. Sa tingin ko ay sobrang lasing na niya. Nakita rin ng dalawa kong mga mata ang paglandi nito kay Isagani. Pero panay ilag naman si Isagani.
Nagsasalita pa 'yong babae pero tinalikuran ito ni Isagani. Sinundan ng babae si Isagani sa kuwarto kung saan dito kami nagpapahinga ng mga nagtatrabaho. Na-curious ako kaya naman ay sinundan ko silang dalawa.
Pagkalapit ko sa pinto ng kuwarto ay may narinig akong isang pagtatalo. Mas lalong nadagdagan ang pagtataka ko kaya dinikit ko sa pinto ang aking tenga.
"B-bakit si Zen na lang palagi ang nasa bibig mo Isagani! Wala na siya kaya pwede itigil mo na 'yan kahibangan mo sa kaniya," wika ng babae kay Isagani at tila galit na galit ito kay Zen.
"No! Even though she died she's always in my mind. Also respect her. Alam kong may gusto ka sa akin at galit ka sa amin ni Zen kasi mas pinili ko siya kaysa sa iyo!" Tumaas ang tono ng boses ni Isagani.
"Baka nakakalimutan mo, you are the reason why Zen died. Kasalanan mo 'yon!" pagbibintang nito.
"T-tama na! Ikaw ang may kasalanan ng lahat ng nangyari at hindi ako. Tinulungan ko lang siyang makatakas sa pagpapakidnapped mo sa kaniya." Nagulat ako sa sinabi ni Isagani sa babae 'yon.
"Alam mo hindi pa rin mawawala sa isip nila Uncle na ikaw pa rin ang pumatay sa anak nila. And you know what Isagani? Balang araw luluhod ka rin at magmamakaawang mahalin ako. Ikaw ang pumatay kay Z-e-n." Mayroong diin ng pagsambit ng pangalan ni Zen.
"How dare y—" Natigilan si Isagani na sampalin ang babae na nasa harapan niya nang pumasok ako.
"Isagani!" sigaw ko sa pangalan niya. "Hoy, babae I don't know who you are ha. Pero huwag mo namang idiin sa isang tao ang hindi naman niya kasalanan. You better go. The door is open sa mga katulad mo." Tinarayan ko siya gaya ng pagtataray niya ngayon sa akin.
"Who are you? Hindi ka naman isang shining armor ni Isagani to save him. Ikaw kaya ang umalis sa harapan namin pareho. Kasi wala ka namang alam sa kwento ng pinag-aawayan namin."
"Okay wala nga akong alam pero sana lumugar ka naman," naiinis na tugon ko sa kaniya.
"Zen, tama na," suway ni Isagani sa akin. "Xy, umalis ka na or else—"
"Or else ano? Papatayin mo rin ako gaya ng ginawa mo kay Zen?" Matapang na binato ng ganitong salita si Isagani.
"Xy? Stop it! Lasing ka na!" pagsusuway ni Luke. Naabutan nila si Xy na sinusumbatan si Isagani.
"Luke, iuwi niyo 'yan baka kung ano ang magawa ko sa kaniya. Sige na," utos nito kay Luke. Saka sunusubukang kumalma ni Isagani.
Nilabas ni Luke si Xy pero itong si Xy ayaw paawat gusto pang manakit. Hindi ko alam kung dala ba 'yon ng kalandian niya o pagkalasing.
"Are you okay?" I aksed him. Instead of answering my question bigla na lang siyang nagwala.
Hindi ko siya mapakalma dahil nanggigil siya sa galit. Siguro narinig siya ni David kaya pumunta agad. Kahit si David ay walang nagawa para pigilan si Isagani.
"Ako na ang bahala dito David. Kumuha ka na lang tubig sa baso," utos ko sa kaniya.
"Anong gagawin mo?" nagtatakang tanong niya.
"Basta ako na ang bahala." Iniwan niya kami sa loob ng kwarto para kumuha ng tubig.
"Isagani tama na. Alam kong masakit pero tama na please." Kahit nasasaktan ako sa pagpigil ko sa kaniya mas minabuti ko na lang na yakapin siya.
"Shhh, tama na Isagani. Tama na. Hindi mo 'yon kasalanan," naiiyak ako habang pinapatahan ko siya.
Maya-maya ay nandiyan na si David may dalang isang basong tubig. Iniabot niya ito kay Isagani.
"Uminom ka muna, Bro." Nanginginig na inabot ni Isagani ang isang baso ng tubig at ininon ito.
"S-salamat," maikling tugon nito.
"Pasensya ka na kung hindi namin nakitang nandito na pala sa loob si Xy. Pero hinatid na siya ni Luke sa bahay nila," sumbong ni David kay Isagani.
"Nakakasuklam ang pagmumukha niya. Ayuko siyang makita ulit. Kahit sa burol ko ayukong dumalaw o magpakita siya sa akin. Ayuko!" Nanggigil siya. "By the way Kairi sorry ha, nasaktan pa kita. Nadala ako sa galit at inis sa mga pinagsasabi niya."
"Ayos lang ako. Huwag kang mag-alala."
"Alam mo Bro umuwi ka na muna para makapagpahinga," suhesyon ni David. "Kairi samahan mo na siya."
"Ha? Hindi, paano ang gulong naiwan ko rito? Ang mga customer ko."
"Kami na ang bahala. Magpahinga ka na muna." Tinapik ni David ang balikat ni Isagani.
"Tama si David, baka napagod ka lang kaya huwag nang makulit ipahinga na natin 'yan."
"Siguro nga. Salamat Kairi."
Umalis na kami sa bar at uuwi. Pinakalma muna namin siya ng ilang oras pa.
Habang nasa byahe ay pareho kaming tahimik. Gusto kong magtanong tungkol sa nangyari kanina at tungkol sa nangyari kay Zen. Gusto ko na talagag malaman ang totoo. Baka may way pa para matigil na ang pagdurusa niya.
Malapit na kami sa bahay nila Isagani at nilakasan ko na talaga ang loob ko na magtanong.
"Hmm, Isagani alam mo hindi naman sa nakikialam ako ha pero ano ba talaga ang nangyari kanina at kay Zen? Bakit sinasabi mo na kinidnapped ng babaeng 'yon si Zen?" naguguluhang tanong ko. Tinigil ni Isagani ang kotse at tiningnan niya ako sa mga mata.
"Bakit gusto mong malaman ang kwento, Kairi?"
"Baka may maitutulong ako. Ayukong makita kang malungkot. Ayukong nahihirapan ka. Baka may magagawa ako para buksan ang kandado sa hawlang pinagkukulungan mo mula sa mapait at masakit na pangyayari. So please tell me."
"Okay. Thank you. I know that from the start you have a concern about me."
Dito na siya nagsimulang magkwento tungkol sa kanila ni Zen.
@mayo
If you love this chapter kindly vote and follow me here in my wattpad account. Thank you!
YOU ARE READING
SAKALING MAKALIMUTAN MO SYA
RandomLove is the best medicine to all pain but what if love is the reason why we feel pain? What is the best medicine to this or remedy that we can give to a perso who suffer a deep pain? Maybe happiness and new memory to a new person? Kairi, met the guy...