KABANATA KUWATRO: FROM THE START

5 1 0
                                    

"SAKALING MAKALIMUTAN MO SIYA"

ISAGANI'S P.O.V

"I-isa? Isagani? Ikaw nga. Come with me. I have something to tell you." Inaabot niya ang kaniyang kamay sa'kin.

"Z-zen? Zen!" Hinawakan ko ang kaniyang kamay. Sumama ako sa kaniya sa paglalakad.

"Isagani?"

"B-bakit?"

"I'm sorry for letting you go ha. But promise me that even though I'm not on your side be a good boy. Balita ko umiinom ka raw. Please stop doing it okay? Listen to her." Tumigil siya sa paglalakad at tumingin sa'kin. Nakangiti.

"Isama mo na ako, Zen. Sa paraiso mo." Hinawakan ko ang tela ng kaniyang damit at nagmamakaawa.

Humarap siya sa akin at hinawakan ang aking pisngi. Dahan-dahan niyang hinihimas ito.

"Hindi ako matutuwa kung sasama ka sa'kin sa maling paraan. Magiging masaya ako kung pasasayahin mo siya. Aalis na ako. Hinihintay ka niya." Tumalikod siya at naglakad na.

"Huwag mo akong iwan. Zen! 'Wag! Zen!"

Hindi ko alam kung naabutan ko pa siya sapagkat naalimpungatan ako mula sa'king panaginip. Nagulat ako nang makita ko si Kairi na nasa tabi ng aking kama.

"Hoy! Gumulising ka nga." Kinakalabit ko siya at inaalog.

"Goodmorning. S-sorry. Gising ka na pala." Binuklat niya ang kaniyang mga mata at kinukusot.

Nagulat din ako sapagkat hindi naman ito ang suot ko kahapon at ano naman ang ginagawa niya dito? Bakit ang sakit ng katawan ko?

"Ipaghahanda kita ng mahihigop na sabaw para matanggal 'yang hang over mo." Tumayo siya at umalis.

Nasa pintuan pa lang siya at hahawakan ang door knob nang pinigilan ko siya.

"T-teka ano ba ang nangyari sa'kin?" Tumayo ako at binuksan ang kurtina at ang bintana.

"Ha? Wala kang natatandaan sa ginawa mo? Poor Isagani." Tinignan ko siya ng masama. "Binugbog ka sa pinuntahan mong bar kagabi. Pagkatapos, nakita kita. Grabe hindi ka na sana mabubugbog ng gano'n kung 'di ka na lumaban. Mabuti na lang natawagan mo na ang mga kaibigan mo. Dumating sila to save you. Then, sila ang may gawa niyan. Binihisan ka nila at inasikaso. What a lucky guy," kwento niya.

"Thank you!"

"Hindi ako ang pasalamatan mo kung hindi ang mga kaibigan mo. I have to go." Binuksan niya ang pinto at umalis.

Natulala ako nang makaalis siya. Naalala ko ang sinabi ni Zen sa'kin. Siya ba ang tinutukoy niya na pakinggan ko? Or si Mom? Bakit kailangan ko pang magising? Kaasar.

Sa pagliligpit ng aking higaan ay nakita kong nasa kama ko ang picture frame ni Zen. May nakita rin akong isang pirasong papel. May nakasulat na isang tula na sinulat mismo ni Zen.

She write this when he feel sad. Before nangyari ang lahat. Sa totoo lang I hate the message na gusto niyang iparating.

The phone vibrate....

It was David. I pick up my phone call and I answer it.

"Goodmorning, Isagani. Mabuti at gising ka na."

"Um, nagising ako dahil sa panaginip ko. May kailangan ka bro?" tanong ko rito."Oh by the way, namention ni Kairi ang pagtulong niyo sa'kin thanks."

"Your welcome. I just want to ask you if bubuksan pa ba natin ang restaurant mo? Tapos na kasing i-renovate ang mga sira."

"Pag-iisipan ko. 'Yon lang ba ang tinawag mo?"

"Oo. Nga pala think wisely bro ha, hindi sa nakikialam ako pero you have to start from the beginning and Kairi will help you. Hindi matutuwa si Zen sa mga ginagawa mo kung nabubuhay lang siya ngayon." Parang kinurot ang puso ko nang sinambit niya ang pangalan ni Zen. "S-sorry, bro. Sorry."

"It's okay. Hmm, I try what you said. Update na lang kita sa pagbubukas ng business natin." Pinatay ko agad ang tawag.

Nag-shower muna ako bago bumaba ng kusina para magkape. Pero naabutan ko si Kairi na humihiwa ng sibuyas at bawang. Nilapitan ko siya at tinanong.

"Anong lulutuin mo?"

"Macaroni soap," mabilis niyang tugon.

"I see. May maitutulong ba a—" hindi na natapos ang sinasabi ko nang makita kong dumudugo ang kamay niya.

"Nahiwa ko ata ang daliri ko. D-dumudugo n-na. D-dugo!" Sumigaw siya na parang atungal ng isang mabangis na hayop.

Natataranta siya kung ano ang gagawin. Napangisi ako sa inaakto niya kasi parehong-pareho sila ni Zen. Takot sa dugo at natataranta kapag hindi alam ang gagawin.

"Akin na." Hinawakan ko ang dumudugo niyang daliri.

"A-aray! Dahan-dahan naman." Hinampas niya ang braso ko ng malakas.

"Okay. Hugasan muna natin 'yan. Tapos lagyan ng band aid. Sa susunod sibuyas lang o 'di kaya'y balat ng gulay o kung ano pa man ang hiwain mo hindi 'yong pati daliri mo," payo ko sa kaniya habang hinuhugasan ko ang sugat niya.

"Dumulas kasi ang kutsilyo kaya nasabay pati daliri ko," pangatwiran niya pa.

Kinuha ko ang first aid kit ay at nilagyan ng band aid ang daliri niya.

"Ako na ang maghihiwa ng iba pang gulay at karne. Manood ka na lang diyan at maghintay." Sinimulan ko nang hawakan ang kutsilyo at naghiwa ng carrots.

"P-pero dapat ako ang gumagawa niyan at hindi ikaw." Tinignan ko siya.

"Ayos lang. Matagal na ring hindi ako nakakapagluto at nakakagawa ng ganito. Hayaan mo muna ako okay?" Tumango siya. "Tulungan mo na lang ako sa ipaguutos ko sa'yo mamaya kung meron man," dagdag ko pa.

Nakatingin lang siya sa akin habang niluluto ko ang macaroni soap. Napakatahimik niya ngayon. Hindi man lang siya nagtatanong. Nakakapagpanibago.

@mayo
To be continued...

SAKALING MAKALIMUTAN MO SYAWhere stories live. Discover now