DISINUVE

0 0 0
                                    

Nasanay akong magising nang umaga kapag nandito sa bahay namin. Sapagkat ako ang nagluluto ng babaunin ni kuya sa trabaho. Hindi siya mahilig bumili ng pagkain sa labas dahil mayro'n siyang trauma no'ng nalason siya ng kaniyang biniling ulam.

Pababa na ako ng hagdan nang may narinig akong may nagtitimpla ng kape. May liwanag din sa may kusina. Pagkababa ko sa hagdan agad akong tumungo sa kusina para magkape.

Pagdating ko ro'n nando'n si Isagani. Nauna siyang magising kay sa akin. Binati niya ako na para bang hindi kami magkaaway. Binalik ko rin ang kaniyang pagbati sa akin.

"Gusto mo bang ako na lang magtimpla ng kape?" tanong niya sa akin. Umiling ako.

"Ako na ang magtitimpla ng kape." Kumuha ako mg tasa at nagtimpla ng kape.

Habang natitimpla ako ng kape umupo siya sa mesa at humigop ng kape. Kinuha ko ang tinapay at margarine na pampalaman sa slice bread. Nilapag ko 'yong palaman at tinapay sa mesa.

"Masarap ipares ang tinapay na may palaman sa kapen" wika ko sa kaniya. Ngumiti lang siya at nagpalaman ng slice bread na siyang nilapag ko sa mesa.

"Hmm, Kairi? Hindi ka na ba galit sa 'kin?" Napatingin ako sa kaniya at nilapag ang tasa sa mesa.

"No'ng umalis ako at ilang araw ding naging galit sa 'yo pero no'ng araw na dumating kayo naisip ko na hindi naman kita masisi kung bakit mahal na mahal mo 'yong taong nauna sa akin. At saka ayos na ako. Ayos na tayo, sana."

"Talaga?" Tumango at humigop ng kape.

"Nga pala, naikuwento sa akin ng mga magulang ni Zen na ayos na kayo."

"Paano mo nalaman?"

"Nagkasalubong kasi kami one time no'ng nagpasukat kami ng damit sa kasal."

Dito habang nagkakape kami hindi namin aakalain na magkakayos kami. Parang ang gaan na ng kaniyang pakiramdam. Humingi rin siya ng tulong dahil gusto niyang iabot ang pinadala ni David sa kaniyang lola rito mismo sa Palawan nakatira.

Nang matapos naming magkape nagluto na rin kami ng almusal at sabay-sabay kaming kumain. Pagmatapos namin ay pumunta na kami sa lola ni David. Pinakape at may pinabaon din siyang nilutong cookies.

Nang pauwi na kami nagyayang pumunta kami ng mall para bumili gn ice cream. Bigla kasi siyang mag-crave ng ice cream.

Habang bumibili siya ng ice cream naiwan ako sa isang bilohan ng damit. Gusto ko sanang maghanap ng damit para sa magiging pamangkin ko. Nang makita ko ang ex ko.

Nakita niya at kinamusta. Akala ko naman maganda ang pakay niya nang hindi ko inaasahan na aasarin at iinsultuhin niya ako. Naiinis ako at hindi ko pa rin makalimutan ang panloloko niya.

"Sino ba naman ang papatol sa 'yo? Alam mo dapat ako lang ang magmamahal sa 'yo at magkakainteres na mahalin ka!" Hinila niya ang aking kamay. Pilit kong pumiglas pero hindi siya nagpatinag.

"Pre, 'wag mong ganyanin si Kairi," pagpipigil ni Isagani.

"Sino ka ba?" naghahamong tanong ni Billi, ex boyfriend ko.

"Boyfriend niya. Bakit?"

"Boyfriend niya rin ako!" Sinuntok kaagad ni Billy si Isagani. Walang ano ay ginantihan naman ito ni Isagani.

Nabaling ang atensyon ng mga tao na nado'n sa mall. Nagsuntukan na ang dalawa. Bago pa man dumating ang mga security guard ay hinila ko na ang kaniyang kamay at ang ice cream na nabili niya.

Pagkarating namin sa bahay agad kong ginamot ang pasa niya sa mukha.

"Bakit mo naman ginantihan ang gagong 'yon?"

"E, binabastos ka niya e."

"Hayss, 'yan tuloy. May pasa ka. Sa susunod 'wag mo nang uulitin 'yan ha?" Dinampi ko na ang ice bag sa mga pasa niya sa mukha.

Habang dinadampi ako ang ice bag sa pasa niya hindi ko namamalayan na nagtatama na ang aming mga mata at lumalapit na rin ang kaniyang labi sa akin. Hanggang sa nanlaki ang aking mga mata nang hinalikan niya ako.

Napapikit na lang ako dahil sa halik na kaniyang binigay sa akin. Napakalambot ng kaniyang labi at ang tamis ng kaniyang halik.

"Alam mo bang narealize ko na mahal na kita simula no'ng araw na parati mo ako pinapasaya. Nagtagumpay kang kalimutan ko ang sakit pero hindi si Zen. Mahal kita, Kairi. Mahal mo pa rin ba ako?" Tumango ako napayakap siya ng mahigpit sa akin.

"Mahal din kita, Isagani."

Habang nilalasap namin ang yakapan namin biglang may narinig kaming palakpak. Humiwalay kami sa pagkayakap sa isa't isa. Sila ninang at sila kuya pala.

"Mukhang may susunod na ikakasal," wika ni kuya.

Nagtawanan lang kami.

Dumating ang araw ng kasal ni kuya at naging ganap na Mrs. Cortes na si ate Shaina. Kumuha kami ng picture. Ang saya. Naging masaya kami sa araw ng kasal nila ni kuya.

Naging maayos na rin ang lahat. Ang relasyon namin ni Isagani. Muli naming binisita ang bangkay ni Zen para ipaalam ang lahat ng tungkol sa amin. Marahil ay maiintindihan naman iyon ni Zen.

Hindi man ako nagtagumpay na kalimutan niya si Zen pero pinahilom ko na.an ang puso nuyang sugatan.

THE END.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 09 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

SAKALING MAKALIMUTAN MO SYAWhere stories live. Discover now