ZEN's P.O.VPagkatapos niyang magkuwento tungkol sa pangyayari sa kanila ni Zen bumuhos ang mga luhang kanina pa niya pinipigilan. Hinimas ko ang kaniyang likod para patahanin. Napakasaklap sapagkat siya mismo ang sinisisi sa pagkamatay ng kaniyang kasintahan.
Nang ayos na ang lahat huminga siya ng malalim. Kinalma ang sarili at ini-start ang makina ng kotse. Dumaretso na kaming dalawa pauwi sa kanilang bahay. Bago kami papasok sa pintuan ng kanilang bahay binalaan niya akong huwag sabihin kay ninang Susan ang mga nangyari kanina.
Pumasok na kami ni Isagani sa bahay nila at tamang-tama nando’n din si ninang Susan na nakupo sa sofa, nagbabasa ng aklat. Nang maramdaman niyang dumating na kami sinalubong niya ang kaniyang anak ng isang mahigpit na yakap. Subalit walang kibong ginantihan ni Isagani ng yakap ang kaniyang ina.
“Ayos ka lang ba, anak?” nag-aalalang tanong ni ninang Susan sa kaniya. Umiling si Isagani at may mga natitira pang luhang nais kumawala sa kaniyang mga mata.
Marahil ay hindi niya kinayang kimkimin ang natitirang sama ng loob at lungkot na kaniyang nararamdaman. Kaya naman niyakap niya ulit si ninang Susan. Hinimas naman siya ni ninang.
“Sana ako na lang ang napasama sa pagsabog ng kotse no’ng araw na iyon para wala na akong pinoproblema,” hiling niya. Pinunasan niya ang kaniyang mga luha gamit ang mga palad niya.
Parang tinutusok ng patalim ang aking puso sa kahilingan ni Isagani. Nakakaawa siya. Ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya. Sobrang sakit.
“Kumalma ka muna, anak. Alam kong masakit ang mawalan ng minamahal pero kailangan mong maging matatag.” Hinawakan ni ninang ang kamay ni Isagani.
Kumuha ako ng tubig at iniabot kay Isagani. Nang kumalma na siya, sinamahan siya ni ninang papunta sa kaniyang kuwarto. Nakita ko kung paano niya tabihan si Isagani sa pagtulog nito. Bumaba ako ng kuwarto at tumungo mg kusina para magtimpla ng kape. Habang umiinom ng kape narinig akong may pababa ng sa hagdan.
"Pasensya na po. Hindi ko magawang makatulog kaya nagtimpla na lang ako ng kape," paunang wika ko.
"Ayos lang." Kumuha si ninang ng tasa at nagtimpla rin ng kape. "Ano ba ang nangyari? Tinawagan ako nila Luke tungkol sa nangyari kanina sa pagitan ni Isagani at ni Xy."
Kinuwento ko kung ano ang nangyari. Napailing na lang si ninang nang maikwento ko na ang lahat. Pati rin si ninang ay napaiyak. Kinuwento ko rin ang kinuwento ni Isagani kanina tungkol sa totoong aksidenteng nangyari sa kanila ni Zen.
"Salamat, Kairi at nando'n ka para tulungan siyang huminahon. Sana mabigyan na talaga ng hustisya ang pagkamatay ni Zen para matahimik na ang puso't isipan niya. Hindi lang si Zen ang problema niya kung hindi pati na rin ang mga magulang nito. Kung paano siya paniniwalaan."
"Walang anuman po. I hope that he over this challenges." Humigop ako ng kape.
Pagkatapos naming magkape ni ninang at mag-usap tungkol kay Isagani tumungo na kaming pareho sa aming kuwarto. Habang nasa kuwarto ako at nakatihaya sa malambot na kama, nakatingin ako sa kisame. Nag-iisip kung paano ko ba matutulungan si Isagani.
"Ang suwerte mo, Zen para kay Isagani," wika ko sa aking sarili. Hindi pa ako dinadalaw ng antok. Kaya naman tumayo at kinuha ang sketch book ko at ang lapis.
Ginuhit ko ang mukha ni Zen. Hanggang ngayon nakatatak pa rin sa aking isip ang imahe ng kaniyang kagandahan. Ang pagguhit ng kung ano ang aking libangan para dalawin ako ng antok. Hanggang sa aking inaasahan dinalaw na rin ako ng antok pero 'yong ginuguhit ko ay hindi pa. Kulang na lang ang katawan ni Zen para makompleto. Pinatay ko ma rin ang ilaw at natulog.
Kinaumagahan....
Dito ko naalala na hindi ko pala na set ang alarm clock ko. Napatingin ako sa cellphone ko kung anong oras na. It's already 8: 25 na ng umaga. Napabalikwas ako ng bangon sa aking higaan. Dali-dali akong nagligpit ng kama ko at naligo. Bumaba kaagad ako ng kuwarto.
Pagbaba ko nakita kong kumakain si Isagani at si ninang. Nang makita nila akong nakababa na sa hagdan niyaya nila akong sumalo na sa kanilang pagkain. Agad naman akong tumungo sa lamesa at umupo.
"Pasensya na po kung tanghali na akong nagising. Hindi na po mauulit," paumanhin ko sa kanila. Napahinto ng pagsubo ng pagkain si Isagani at tiningnan ako. Napailing na lang siya. Binaling ko rin ang atensyon kay ninang at napangisi siya. "Bakit po? Bakit ganiyan kayo?" nagtatakang tanong ko sa kanila.
"Ay naku, hija. Hindi naman ito ang unang beses na tanghali ka ng nagising. Pangatlong beses na siguro ito. Saka tulog ka pa ba, Kairi?" Nilagyan ni ninang ang plato ko mg kanin at ng ulam na mechado.
"Ano bang napanaginipan mo kagabi, Kairi? Saka basang-basa pa 'yang buhok mo." Tiningnan ko ng deretso si Isagani.
Mukhang ayos na siya. Hindi ko nakikitang may lungkot ang kaniyang mga mata. Tila parang walang nangyari kagabi. Nakangiti siya. Nakita ko.
"Pasensya na po ulit," paumanhin ko ulit sa kanila. Kumain na rin ako dahil papasok pa ako sa trabaho.
"Nga pala, Kairi. Mamayang alas tres ng hapon iti-treat tayo ni Mama ng gusto natin. Tapos sabay pamasyal na rin. Sila Luke at David na muna ang bahala sa bar. Nakausap ko na sila." Tumango na lang ako sa kaniyang sinabi. Hindi ko na rin magawang tumanggi sapagkat gusto kong makitang masaya siya.
"Dalian mo na riyan at dadaan pa tayo ng simbahan. Magsisimba muna tayong tatlo. Matagal na ring hindi na ako nakakapagsimba." Tumaas ang kilay ko. Sunday ba ngayon?
"Linggo po ba ngayong araw?" tanong ko. Napatigil naman ng pagkain ang mag-ina at tiningnan ulit ako. Saka tumaws ng malakas.
"Hay, naku! Tulog ka pa siguro, Kairi. Check your calendar sa phone mo," pang-aasar ni Isagani sa akin. Tapos iniling niya ang kaniyang ulo.
Tiningnan ko ang calendar sa phone ko at tama ngang linggo ngayon. Wala akong magawa kundi bilisan ang pagkain ko.
Nang matapos na kaming kumain tumungo na kami sa simbahan. Pagkatapos ay sa trabaho. Pagkarating namin sa restaurant ay tinanong nila David. Pinagtapat niyang ayos na siya at magaan ang pakiramdam niya ngayon.
Pagdating ng alas tres pinuntahan namin si ninang sa office niya. Nag-shkpping kami ni ninang ng kung ano-ano. Gaya ng gamit sa kusina at mga damit na rin na pang opisina niya. Samantalang ako nagpabili lang ako ng isang back pack na black. Pero makulit din 'tong si ninang binilhan ba naman ako ng isang white dress.
Samantala si Isagani ay mayro'ng biniling bracelet at sinuot niya 'yin sa akin. Nagpasalamat naman ako sa kaniya. Maganda ang bracelet, silver na may mga pendants na whale, sea shells at star fish na maliliit lang. Ang cute.
Binilhan din siya ni ninang ng sapatos at ng isang pares ng polo at pants. Pagkatapos dinala kami ni ninang sa magandang caffee. Nag-order si ninang ng kape ng isang slice ng cake. Adik din pala 'tong si ninang sa kape e.
Pagkatapos namin sa pamamasyal ay nakita kong naging masaya si Isagani. Naglaro rin kami sa arcade at sumakay sa ferris wheel. Si ninang nga'y halod masuka dahil sa sobrang pagkahilo.
Nakita ko si Isaganing walang bahid ng lungkot, pangamba at takot ang kaniyang mga mata. Hindi ko ramdam na hindi siya ayos. Ayos na ayos siya.
YOU ARE READING
SAKALING MAKALIMUTAN MO SYA
RandomLove is the best medicine to all pain but what if love is the reason why we feel pain? What is the best medicine to this or remedy that we can give to a perso who suffer a deep pain? Maybe happiness and new memory to a new person? Kairi, met the guy...