KABANATA KATORSE

0 0 0
                                    

Pagkatapos ng pamamasyal pare-pareho kaming napagod. Pagkarating ko sa kuearto binagsak ko kaagad ang aking katawan sa malambot na kama. Hindi ko na inayos at binuksan ang pinamili namin ni ninang kanina. Naalala ko ang binigay ni Isagani na bracelet. Tinaas ko ang aking kamay at tiningnan ang bracelet. Hanggang ngayon nagagandahan pa rin ako.

"Ganito ba ako kahalaga sa kaniya? Mahalaga na ba ako sa kaniya?" tanong ko sa aking sarili. Binaba ko ang aking kamay. Tumingala ako sa kisame ng aking kuwarto.

Naisipan kong tapusin ang ginuguhit ng imahe ni Zen. Habang ginuguhit ang kaniyang katawan bigla ko na namang hiniling na ako na lang siya. Aaminin ko sa aking sarili, sa tuwing nakakasama ko si Isagaani at nakangiti unti-unting nahuhulog ang aking sarili sa kaniya.

Mahal ko na siya. Pero kahit anong gawin ko parating si Zen ang kaniyang bukambibig. Kailan kaya maaalis sa kaniyang puso't isipan si Zen. Pati na rin sa buhay niya.

"Sorry, Zen pwede ko bang mahalin ang boyfriend mo?" Bigla kong ginulo at tinampal nang paulit-ulit ang aking ulo. "Ano ba ang naiisip ko?"

Tinapos ko na lang ang ginuguhit ko hanggang sa dalawin ako ng antok. Patapos na ako nang biglang tumawag si kuya sa akin. Pinaalala na naman niya na naghahanda na siya para sa kasal. Sinabi rin niya na ako raw ang magiging maid of honor. Pinagtangkaan niya akong huwag tumanggi. E, 'di huwag tumanggi.

Sa wakas, tapos na rin ang ginuhit ko na rin si Zen. Dinalaw na rin ako ng antok. Niligpit ko na rin ang aking aking ginuhit at natulog. Pero bago ako nahiga I set my alarm clock.

And as an expected nagising nga ako ng maaga. Bumaba ako ng kuwarto para mag-init ng tubig para magkape. Pero pagkababa ko nakita kong nasa baba na si Isagani. Nagwawalis at nakita ko ring may nakasalang na takuri sa kalan.

"Goodmorning," bati niya sa akin nang makita ako. Binati ko na rin siya pabalik. "Marunong ka ba mag-bake?" tanong niya sa akin.

"Medyo. Pero hindi gaanong kagaling," nahihiyang tugon ko.

"It's okay we have a guide naman. Mayro'n ditong procedures sa pagbi-bake ng cookies and cup cake. Pababaunan ko sana si Mommy. Kaya ayon kahit tulungan mo na lang ako. Kompleto na rin ang kakailanganin." Ngumiti siya at agad naman akong tumango.

Nagsimula na kaming magbake habang nag-iinok ng kape. Tahimik lang kami rito sa kusina at walang gustong magsimulang umimik. Chocolate muffins and cookies ang ibi-bake namin.

Hanggang sa tumawag si kuya sa akin. Pinapauwi niya ako sa amin para ipasukat ang damit na susuutin ko raw. Bakit kasi magpapatahi pa kung pwede namang magrenta na lang. E, kaso mayaman naman daw ang pamilya ng aasawahin niya. Minungkahi kasi raw ng mga magulang ng aasawahin niya. Dito na siya nagsimulang magtanong si Isagani tungkol kay kuya.

"Kumusta na ang kuya mo?" tanong niya sa akin habang abalang naghahalo ng ingredients.

"Ayos naman siya. Ikakasal na siya sa fiance niyang nurse."

"So, ano ang tinawag niya sa 'yo?"

"Pinapauwi niya ako para magpasukat ng susuutin sa kasal nila." Nagsimula na kaming magkwentuhan tungkol kay kuya.

Maya-maya nang dinasalang na namin ang muffins at cookies sa oven narinig naming bumababa si ninang sa hagdan. Marahil ay naamoy niya ang bini-bake namin.

"Aba, ang aga niyo namang magising," wika ni ninang. Tapos kinukusot niya pa ang kaniyang mga mata.

"Goodmorning, Mommy," bati ni Isagani kay ninang.

Nang maluto na ang muffins and cookies ay pinatikim namin ito kay ninang. Nasarapan naman si ninang at nag-thumbs up pa. Binalutan din ni Isagani si ninang ng cookies and muffins. Baon niya mamaya sa opisina.

Pagkatapos naming mag-almusal tumungo na kami ni Isagani ng sabay sa trabaho. Kaming lahat ay abala sa pag-aasikaso ng customer. Habang nasa cashier ako nakita kong may kabangayan ang isa sa mga waiter namin.

Pinuntahan ko 'yon at pinapalitan na muna sa katabi ko. Boses pa lang ng babae ang naririnig ko aba'y alam na alam ko na kung sino agad 'yon.

"Excuse me, Ma'am may problema po ba?" tanong ko kaagad.

"Oh look at you. You are the girl no'ng isang gabi na kumakarengkeng kay Isagani. Pangaralan mo 'tong waiter mo. Nag-order ako ng pagkain tapos mali ang binigay." Tinapik ni Xy ang mga pinggan na may mga pagkaing inorder niya.

Nahulog at nabasag ang mga pinggan sa sahig. Tiningnan ko ang waiter na nag-serve sa kaniyang at tinanong kung totoo.

"Miss Kairi, sinunod ko lang naman ang kaniyang inorder," pangatuwiran naman ni Paolo na waiter na nag-serve kay Xy.

"Okay fine. Ako na ang bahala rito. I trust you naman." Umalis na si Paolo at inutusan ko siyang linisin na lang ang mga binasag ni Xy. Ngayon ako na ang kumakausap ngayon kay Xy.

"Paumanhin po sa nangyari. Sabihin niyo na lang po 'yong order niyo at ako na po ang bahalang mag-serve." Tiningnan ko siya ng deretso sa kaniyang mga mata. Nakita kong nakataas ang kilay niya.

"Bigyan mo na lang ako ng malamig na juice na maraming ice cubes. Kahit wala ng straw," order niya sa akin.

"Ma'am, anong flavor ng juice?"

"Orange juice."

"'Yong lang po ba?"

"Yes, nawalan na akong ganag kumain dahil diyan sa tanga mong waiter." Tinarayan niya ako at padabog siyang umupo.

Dumating na rin si Paolo para linisin ang mga nabasag na pinggan sa sahig. Pagkatapos maglinis ni Paolo dumating na rin ako para ibigay ang juice na order niya.

"Here's your order, Ma'am." Nilapag ko ang orange juice na maraming ice cubes. Nang nilapag ko ang order niya tumalikod na ako.

"Miss?" Lumingon ako nang tnawag niya ako. Nakatayo siya at pinalapit niya ako.

Hindi ko naman aakalain na may masama pala siyang balak sa akin. Kinuha niya ang malamig na malamig na orange juice tapos binuhos sa ulo ko lahat.

Nabigla ako sa kaniyang ginawa. Kinuyom ko na rin ang mga kamao ko. Gusto ko siyang sapakin sa totoo lang. Gusto ko siyang sabunutan pero kailangan kong magpigil.

"'Yan ang napapala ng isang tulad mo. Stay away from Isagani or else i'm gonna kill you," pagbabanta niya sa akin.

"Kagaya ng ginawa mo sa magkasintahan na sina Isagani at Zen?" Tiningnan ko siya ng masama. Lumapit siya sa akin at sinakal ko.

"Don't ever, ever try to mention my cousin's name." Mahigpit ang pagkasakal niya sa akin. Sobra.

Maya-maya ay dumating sila Isagani para awatin si Xy. She's a crazy person na kilala ko. Isa siyang baliw.

SAKALING MAKALIMUTAN MO SYAWhere stories live. Discover now