KABANATA SYETE: APOLOGIES

8 0 0
                                    

"SAKALING MAKALIMUTAN MO SIYA"

Pagkatapos ng pagkain namin tinulungan akong maghugas ng pinggan ni Isagani. Wala kaming imik pareho nang naghuhugas kami ng pinggan. Gusto sana siyang tanungin about kay Zen kung ano talaga ang nangyari. Kaya lang much better to be silent.

It's already 8:15 pm hindi pa ako dinadalaw ng antok kaya naman kumuha ako ng sketch pad at ng lapis. I love to draw. Nagustuhan ko 'to no'ng nakikita kong nagdo-drawing si Kuya. He's my tutor with this.

Nang matuto ako ng pag-drawing ginawa ko itong business para sa pang allowance ko  no'ng nag-aaral ako sa college. Pareho kasi kaming nag-aaral no'n at nagtatrabaho si Kuya. Gusto ko ring maging independent that time kasi.

"Can I join you?" Nagulat ako nang may nagsalita mula sa aking likuran.

Nilingon ko si Isagani at nakita kong may dala siyang dalawang tasa. Naamoy ko ang aroma ng black coffee.

"Sure." Nilapag niya ang dalawang tasa sa mesa at umupo.

"Pinagtimpla kita ng kape." Nilagay niya ang tasa sa aking tabi.

Tiningnan ko si Isagani. "Thank you. Hindi kasi ako dinadalaw ng antok. Teka, hindi ba kayo nag-uusap ni Ninang pagkatapos mo tumulong sa'kin maghugas?" tanong ko sa kaniya.

"Well mas gusto niyang magbasa ng libro hanggang sa makatulog siya," tugon niya. "Ang ganda naman ng ginagawa mo."

"Salamat. Nga pala may time pa naman para magkwentuhan kayo."

"Ano naman ang pagkukwentuhan naming dalawa?" Tinignan ko siya.

"Tungkol sa nangyari sa inyo ni Zen. O 'di kaya sa business mo na muli mong bubuksan," suhesyon ko sa kaniya.

Tumahimik na lang siya at nag-eenjoy na panoorin ako sa pagguguhit ko sa sketch pad.

"Alam mo Kairi sana ako na lang 'yang dino-drawing mo. Sana nga isa na lang akong buwan na kahit madilim na ang paligid mayroong liwanag pa ring nakikita which is hope." Tumigil ako sa pagguhit at tiningnan ko siya.

"Bakit hindi? I mean kaya mo namang hanapin ang pag-asa na sinasabi mo. Try to enlighten yourself, tell them the truth. Kung 'yon ang ikakagaan ng kalooban mo. Kung hindi mo i-take ang risk walang mangyayari. Hindi mo malalaman ang lahat o ang magiging kinalabasan. Maging matapang ka kapag once na makaharap mo sila. Huwag mo nang pahirapan pa ang sarili mo," wika ko sa kaniya.

Hindi ko alam bakit ba nakikialam ako sa problema niya? Nakakaasar.

"You're right. Madali lang namang sabihing maging matapang at maging matatag pero once the shadow of your fear standing beside you hindi mo namamalayang nakaharap ka na sa kanila isa ka ng duwag. Maybe their was a time for everything."

Gusto ko siyang kontrahin pero nang tinitignan ko ang kaniyang mga mata sinusubukang niyang maging okay ang lahat.

"Hmm, Isagani. If kailangan mo lang ng taong pagsasabihan, iiyakan o ng dadamay sa'yo I'm here lang ha. Don't worry i'll listen and be with you. Promise."

"Thank you, but no. promise please."

"Okay no promise."

I continue to draw a moon. May lalaki at babaeng nagyayakap sa isa't isa sa tabi ng ilog. Habang nagdo-drawing ako sinusundan ng mga mata ni Isagani ang mga kamay ko.

"Nga pala Isagani thank you ha for offering me a Job and sorry kung sinigawan kita kanina kung ano-ano ang mga pinagsasabi ko sa'yo. Sorry talaga." Naalala ko bigla kasi ang mg sinabi ko sa kaniya kanina bago siya umalis ng bahay. Hindi na ako nakapag-sorry sa kaniya kasi nag-walk out ako.

Nakakasar kasi siya kasi akala ko iinom na naman. Hindi sa pagod akong asikasuhin siya kung hindi nag-aalala ako sa health niya. Bakit ba ako nag-aalala sa kaniya? Ah, basta worry pa rin ako sa kaniya.

"Sorry din kung hinayaan kitang mag-walk out instead na puntahan kita at ipaliwanag sa'yo kung saan ako pupunta. Sorry baka nag-iisip ka na pag-uwi ko rito is lasing ako at masukahan na naman kita."

"Ha? Hoy, hindi sa gano'n. Nag-woworry ako kasi baka madisgrasya ka diyan sa daan. Katulad no'ng first met nating dalawa."

"Okay ako. Hindi na ako iinom." Tumayo siya at nagpaalam sa skin. "Maiiwan na kita mukhang matagal pa 'yang ginagawa mo. Inaantok na kasi ako. Good night." Nagulat ako no'ng hinalikan niya ako sa noo.

"G-good n-night," nauutal kong bati sa kaniya.

This is the first time na nangyari 'to sa akin. Hindi ko pa nga talaga siya kilala. Hindi pa.

@mayo
If you love this chaptet kindly follow and vote. Thank you.

SAKALING MAKALIMUTAN MO SYAWhere stories live. Discover now