KABANATA OTSO: THE WORK

3 0 0
                                    

"SAKALING MAKALIMUTAN MO SIYA"

Nagising ako ngayong umaga dahil sa tatlong beses na pag-ring ng cellphone ko. It was my kuya. Kahit kaipan talaga panira siya sa magandang tulog ko.

"Hindi mo ba sasagutin ang tawag ko pupuntahan kita diyan at kakaladkarin pauwi sa probinsya." he chat.

I dialed his number para tawagan siya. He quickly pick up my call.

"Ano ba kuya hindi na ako bata para bantayan mo ng ganito. Ano bang problema ha?" naiinis na tanong ko sa kaniya.

"Are you sure for that huh? Hindi ka na bata? Tsk, gusto lang naman kitang kumustahin. Balita ko may trabaho ka na and Isagani gave you a work. It means hindi na kita susunduin diyan."

"'Yan lang ba ang tinawag mo this morning, Kuya? Nakakaasar ka naman." Kumamot ako sa aking ulo at tumayo sa higaan.

"No, I want to warn you. Kahit na you are in a right age hindi mawala sa akin ang mag-aalala lalo na at kuya mo ako. Kung may problema ka kausapin mo ako. Tawagan mo ako," paalala niya. Nakangiti ako habang nagsasalita siya at sa tuwing naririnig ko ang boses niya. Nakakarelax talaga ang boses niya kahit na nag-aaala.

"Oo na. Sorry kung hindi ako nag-update kagabi antok na antok na kasi ako. Pero promise from now on I will update you kahit sa pagtae ko pa," pagbibiro ko.

"Thank you, my sister. Okay, I have to do my job here. Take care. I love you." Narinig ko ang kaniyang kiss na may sounds.

"Ikaw din kuya. I love you, too." Binaba namin pareho ang call.

Niligpit ko na ang higaan ko. Habang nagliligpit ng higaan may kumatok sa aking kuwarto.

"Kairi, gising ka na?" Boses ni Isagani.

"Oo." Lumapit ako ng pintuan at pinagbuksan siya.

"Magbihis ka na at pupunta tayo sa restaurant para tumulong sa pag-aayos doon. Kung okay lang sa'yo."

"Oo naman. Ayos lang sa akin. Maliligo lang ako."

Hindi na siya nagsalita ng kahit na ano pa. Tumango lang siya at tumalikod. Ang cold niya ngayong araw na ito.

Naligo na nga ako at inayos ang sarili. Nagsuot ako ng t-shirt na kulay blue at isang high waist na pantalon with white shoes. Dinala ko na rin ang sling bag ko na kulay pink. Bumaba na ako at nakita kong kumakain ng almusal si Isagani.

"Kumain ka muna bago tayo umalis," wika niya habang abala sa pagsubo ng sinangag na may itlog.

Umupo ako at kumuha ng tinapay and I spread it a little bit ng ladies choice. Saka naghigop ng kape. Pinagmamasdan ko si Isagani ng palihim habang kumakain.

"Try mo kaya lng sumubo ng sinangag. Masarap 'yan pero kung gusto mo ng bagong kanin pagsasandok kita," pag-aalok niya.

"Naku hindi na. Ikaw na rin nagsabi na masarap 'tong sinangag 'di ba." Naglagay ako ng sinangag sa plato ko at sumubo. "Wow, masarap nga." Tiningnan niya ako at ngumiti. 'Yong kutsara sa aking bibig hindi ko pa nilalabas kasi dumikit 'yong sarap sa kutsara. "B-bakit?" tanong ko sa kaniya dahil nakatitig siya sa akin

"Wala naman. Baka kasi malunok mo 'yang kutsara," biro niya."Oo nga pala maraming kanin kasi ang natira kagabi kaya ayan sinangag ko na. Kumain ka ng marami para hindi ka magutom mamaya." Bumalik ulit siya sa kaniyang pagkain.

Pagkatapos naming dalawang kumain ay agad kaming nag-asikaso para sa magiging trabaho ngayong araw na ito. Pumasok ako sa kotse na kulay blue. Nakalimutan kong isuot ang bracelet na binigay sa akin ni kuya na pampaswerte raw. Kaya naman kinuha ko ito sa bag at habang kinukuha ko ito nagulat nalang ako nang bigla siya lumapit sa akin as in lapit na lapit.

Yong mga labi naming dalawa ay halos magkalapit na rin. Nararamdaman ko rin ang kaniyang relaxing na paghinga at ang amoy niya sobrang bango. Tininingnan ko rin ang kaniyang mga mata sobrang ganda. Hindi ko siya magawang itulak kasi parang bigla na lang tumigil ang mundo ko. Pero nagawa niyang lumayo sa akin nang nag-ring ang cellphone niya.

"Mag-seat belt ka para safe." Nang maka seat belt na ako sinagot niya na ang tawag.

Sila David 'yon at tinatanong kung nasasn na ba si Isagani.

"Papunta na kami diyan." Binaba ni Isagani ang tawag and at ini-start ang kotse niya.

Habang tumatakbo ang sasakyan ay hindi maiwasang mag-isip kung bakit kailangan niya pa 'yong gawin? Kaya ko naman mag-seat belt e. Saka kukuha lang naman ako ng bracelet. Hayss. Ewan ko ba. Tahimik lang siya ngayong nagmamaneho ng kaniyang sasakyan.

Ilang minuto lang at nakarating na kami sa restaurant na sinasabi niya. Parang gusto kong masuka dahil napakabilis niyang magmaneho. Dapat hindi ko siya sinunod na kumain ng marami.

"Akala namin matatagalan pa kayo." Salubong agad ni David.

"Hi Kairi. Welcome sa business namin," bungad naman ni

"Salamat sa inyo guys. Ang laki pala nitong restaurant niyo." Na-amaze ako sa ganda ng restaurant may mga iilan kasing designs pa sa bawat pader.

Pumasok kami sa restaurant na iyon. Pinakilala nila ako sa mga datihang nagtatrabaho sa kanila noon.

"Welcome po, Ma'am Kairi. Kinagagalak naming makasama at makatrabaho ka rito." Iniabot ni Helen ang kaniyang kamay sa akin para makipagkamay. Kinamayan ko siya. "Salamat, Helen."

Sa pagsusuri pa ng ibang sira sa restaurant isang lalaking binata naman ang nakabangga sa akin. Maya dala itong juice na nasa petsel. Natapunan ako ng dala niya.

"Naku po pasensya na po. Nadulas po kasi ako kaya natapon 'tong dala ko. Sorry po." Paulit-ulit siyang humihingi ng sorry.

"Ayos lang ano ka ba. Hindi mo naman sinasadya 'yon." Tinulungan ko siyang pulutin ang petsel at ang mga baso. Iyon sana ang snack ng mga nagtatrabaho sa mga nagpapanday ng upuan at mesa kuno.

"Pupunasan ko na lang po." Nilabas niya ang kaniyang panyo at pupunasan sana ang damit ko.

"No, ako na ang bahala sa kaniya. Just go. Magtimpla ka na lang ulit."

"Salamat po Sir Isagani. Hindi na po mauulit." Umalis na siya sa harap naming apat.

"Siya si Noel. Grade 12 students nag-papart time job siya rito. Alam mo na panggaastos para sa pag-college niya raw," pakilala ni Isagani sa skin habang naglalakad.

Ayon sa kaniya kumuha siya ng magpapanday ng upuan at mesa kaysa sa bumili pa.

"Heto isuot mo." Binigay ni Isagani sa akin ang kulay white na t-shit. Aesthetic ang dating nito at may nakaprint na qoutes. "Think positive and live."

Ang ganda ng qoutes nito. Nakakainspire. Pinalitan ko ang suot kong t-shirt at sinuot ang binigay sa skin ni Isagani. Sabi niya kay Zen daw 'tong t-shirt—sana.

Ireregalo niya raw kay Zen kaya lang palagi niyang nakakalimutang ibigay. Ganito kasi ang mga tipong  isuot na t-shirts ni Zen.

@mayo
If  you love this chapter kindly vote and follow for more.

SAKALING MAKALIMUTAN MO SYAWhere stories live. Discover now