disisyete

1 0 0
                                    

Sinubukan naming bumaba ro'n sa sagingan. Pinuntahan namin ang kubong 'yon para humingi ng tulong. Habang palayo sa sagingan naririnig pa rin namin ang mga tauhan ni Franco na naghahanap sa amin.

Nang makarating kami sa kubo, kumatok kami ng maraming beses. Nagmamakaawang pagbuksan nila kami sa kanilang bahay. Habang kumakatok kami naririnig namin ni Xy na palapit nang palapit ang boses ng mga tauhan ni Franco sa amin.

Mabuti na lang talaga narinig at naawa sa amin ang mga nakatira sa bahay na ito. Agad nila kaming pinapasok ni Xy nang sinabi namin ang dahilan ng pagkatok namin sa pinto nila. Tinago nila kami sa isang cabinet na iniimbakan nila ng kanilang na harvest na palay. Isang minuto lang ang nakalipas matapos kaming naitago nang marinig naming may kumatok sa pintuan nila.

"May dalawang babae bang humingi ng tulong dito sa inyo?" tanong ni Franco sa matandang babae.

"Naku, hijo. Wala e. Bakit?"

"Nagnakaw po kasi silang dalawa sa akin ng pera kaya hinahabol namin," pagsisinungaling ni Franco.

"Gano'n ba? Tuloy muna kayo at magkape," pag-aalok ng matanda sa kanila. Subalit tinanggihan ito nila Franco.

Narinig namin ni Xy n sinirado ng matanda ang pinto. Ibig sabihin nakaalis na sila. Pinuntahan kami ng matandang lalaki sa pinagtaguan niya sa amin. Pinalabas kami ro'n at sinabing nakaalis na sila Franco. Nagpasalamat kaming dalawa ni Xy sa pagtulong ng matandang lalaki.

Sinabi namin ang totoo nang nakapatay ang ilaw. Baka kasi raw ay bumalik sila at bukas pa amg ilaw, baka maghinala. Mabait ang mag-asawang tumulong sa amin. Binigyan kami ng kumot at unan ni Xy. Pinahiram din kami ng cellphone dahilan para makatawag sa mga police at sa tita ni Xy.

Habang nakahiga kami ni Xy humingi siya ng tawad sa akin. Sa nangyari sa restaurant at sa bar. Gano'n din kay Isagani. Pero sinabi ko sa kaniya na kay Isagani mismo humingi ng tawad.

Malapit na mag-umaga. Mayro'ng kumatok sa pinto. Binuksan ng matandang babae ang pinto at narinig ni Xy ang boses ng mga pulis at ng tita niya, magulang ni Zen. Lumabas kami ng kuwarto at sinalubong kaagad ni Xy ang tita niya.

"Ano bang nangyari sa 'yo?" tanong ng tito niya.

"Si Franco, kinidnap niya ako. Kailangan na natig mahuli si Franco. He's the reason too why Zen died." Kumunot ang noo ng tito niya.

"And who's this girl?" tanong ng kaniyang tita.

"She's the one who save me. Help me to escape to Franco's hand."

Tinuro na namin kung nasaan si Franco kasama ang mga tauhan niya. Nang madakip nila si Franco agad din nilang dinala sa police station. Kasama na ako para kunin ang statement ko. Pagkatapos nilang makuha ang statement ko tumawag ako sa kaibigan ko. Na-lowbat din kasi ang cellphone ko.

Pinuntahan niya ako sa police station. Nagpaalam na rin ako sa tita at tito ni Xy. Sila na ang mag-uusap-usap o sakaling magtapat si Xy sa tunay na nangyari kay Zen at Isagani.

Nang makarating ako sa hotel ng kaibigan ko agad kong chinarge ang cellphone ko. Tamang-tama namang pag-charge ko ay nakatanggap agad ako ng tawag sa fiance ni kuya.

"Kairi, ang kuya mo naaksidete kagabi," paalam niya kaagad sa akin. Biglang tumigil ang mundo ko.

"Pupunta ako diyan."

"No need to go back here. I am here to care him naman."

"He's my big brother I have a right to care him since you are a pregnant too. Paano mo siya maasikasokung ganiyan ang kalagayan mo. Baka malaglag pa 'yang dinadala mo," pag-aalala ko.

"Pero, ayos la—" Pinatay ko ang tawag at nagmamadaling umalis sa hotel ng kaibigan ko.

Nagpara na ako ng taxi at uuwi pabalik sa bahay nila ninang Susan. Hindi ko alam na nasa pintuan na si ninang. Agad niya akong kinamusta.

"Ayos ka lang ba? Nabalitaan kong kinidnap ko kayo ni Xy."

"Ninang no need to worry I am okay. Also si Xy nakauwi na rin. Nadakip na rin pati si Franco na kumuha sa kaniya. Pero kailangan ko pong magpaalam sa inyo kasi si kuya naaksidente siya," paalam ko.

"Hindi ba nando'n naman ang fiance niya?" tanong ni ninang sa akin.

"Opo, pero buntis siya. Ayuko ring mapagod si ate. At saka gusto ko pong nando'n ako hanggang sa gumaling siya."

"Paano ang trabaho mo sa restaurant ni Isagani? Nakapagpaalam ka na ba sa kaniya?" Umiling ako.

"Tatawag na lang po ako o icha-chat siya. Basta kailangan ko pong umalis. Payagan niyo na po ako ninang." Tumango siya at tinapik ang aking balikat.

"Paki-kumusta ako sa kuya mo ha." Tumango at umakyat na ng kuwarto para magligpit ng mga gamit ko.

Maya-maya pa ay tumawag sa akin si Isagani. Humingi siya ng sorry sa akin. Pero hindi ako umimik.

"Sabi ni mommy aalis ka. Totoo ba? Ihahagid na kita."

"No, you don't need to do that. Naaksidente si kuya kaya kailangan kong umalis. Pasensya na pakihanapan na lang ako ng kapalit ko." Binaba ko ang tawag at lumabas na ng kuwarto.

Nagpaalam ako kay ninang at agad tumungo ng pyer para makasakay agad ako ng barko. Mga alas dyes ng umaga ay nakaalis na ang barko patungong Palawan. Tumawag ako kay ate na parating na ako.

Nang pagkarating ko ro'n agad akong tumungo ng hospital. Kumatok ako sa kuwarto kung saan siya. Pagkarating ko ro'n agad kong niyakap si kuya. Gising na kasi siya.

"Nagpaalam ka na ba kay ninang susan mo?" tanong ni kuya. Tumango naman ako. "Paano ang tranaho mo ro'n?"

"Nagpaalam na rin po ako. Saka pansamantala lang naman ang trabaho ko ro'n."

"Bakit ka pa umuwi nandito naman ang ate mo Kianna."

"Kuya, ayukong mapagod siya. Saka gusto kong makabawi sa lahat ng mga ginawa mo sa akin."

Hindi na nagsalita pa si kuya sa halip ay ni-welcome niya na lang ako. Mga ilang araw lang ay nakalabas na siya sa hospital. Nagpasa na muna siya ng letter para sa pag-leave niya para sa pag-aasikaso ng kaniyang kasal.

SAKALING MAKALIMUTAN MO SYAWhere stories live. Discover now