KABANATA DOS: TROUBLE

3 2 0
                                    

"SAKALING MAKALIMUTAN MO SIYA"

Maaga akong nagising siguro nakagawian ko na rin. Nagpakulo ako ng tubig at habang nagpapakulo ng tubig ay nagluto na rin ako ng bigas sa rice cooker nila. Nakialam na ako ng gamit dito. Maya-maya ay nagising din si ninang. Pareho kaming naghintay na kumulo ang tubig para sabay na rin kaming magkape.

She mention too about kuya Thomas tumawag daw ito sa kaniya at sobrang nag-aalala sa akin. Lumuwas kasi ako ng Maynila na hindi nagpapaalam sa kaniya. Nalaman niya 'yon no'ng nakatuntong na ako rito. Tumawag din naman siya sa akin kagabi bago ako natulog pinipilit niya akong umuwi ng probinsya sa Palawan. Kinukuha rin kasi akong assistant ni Mrs. Flores sa kaniyang mini clinic. Tudo tanggi ako kasi napakamaldita niya sobra. Pero natiis ni kuya na tumagal doon pero ako hindi.

Maybe nagka-trauma ako sa kaniya. No'ng first year college ako dinala ako ni kuya roon at pina-train. Sa umpisa mabait siya at marami akong natutuhan kaya lang habang tumatagal nagiging wild siya. Matanda na rin kasi at matagal nang byuda.

Nagkape na kami pareho at masarap na nagkukwentuhan tungkol sa negosyong pinapalago niya. Pagkatapos ay nagpaalam siyang maliligo kasi may ka-meeting daw ito. Habang naliligo siya nagluto ako ng ulam. Meron ditong karne ng baboy, may cabbage, meron namang bangus at ilang gulay. Naisipan kong magluto ng sinigang na bangus. Masarap maghigop ng mainit na sabaw sa umaga. Lalo na kay Isagani para mahimasmasan sa hang over niya.

Habang nagpapakulo ng tubig ay nilinis ko na ang isdang bangus, pinutol ang mga sitaw at naghiwa ng sibuyas. Pakakulo ng tubig ay nilagay ko na ang isda at tinimplahan ko na rin kasabay ang sinigang na powder. Maya-maya ay hinulog ko na rin ang sitaw pati na rin ang sibuyas.

Tinikman ko na rin para sa final na timpla. Napapikit ako sa sarap ng niluto kong sinigang. Pagkatapos hinugasan ko na ang mga ginamit ko sa pagluluto. Pakanta-kanta ako at sumisipol.

Bigla akong nagulat nang biglang sumulpot si Isagani at nagsalita.

"Yaya Ching, pwede ba akong magpasuyo sa'yo mamaya?" Binuksan niya ang reef at parang may hinahanap.

Nang sinira niya ang refrigirator ay binulaga ko siya na siya ring kinagulat niya. Nadampot niya rin ang kutsilyo sabay tutok sa'kin.

"Magnanakaw!" Sigaw niya ng malakas. "Huwag kang lalapit sa akin kung hindi makikita mo si kamatayang naninigarilyo. Mommy!" Sigaw niya ulit.

"Pwede ba kumalma ka nga, Isagani." Diniinan ko ang pagsambit ng kaniyang pangalan. "For your information hindi ako magnanakaw okay? Besides, I am cooking here for a breakfast. Saka wapa na rin kayong Yaya." Linalapitan ko siya ng dahan-dahan.

"Huwag kang lalapit. Mommy!" Tawag niya ulit kay ninang.

Agad na lumabas si ninang mula sa kaniyang kuwarto. Nagbubutones ito ng kaniyang long sleeve polo na kulay puti.

"Isagani, calm down. Can you put down the knife please? She's not a thief okay, inaanak ko siya." Kinuha ni ninang ang kutsilyo at hinampas ang braso ni Isagani.

"Ouch!" Reaksyon niya. "Bakit hindi mo ako sinabihan ng tungkol sa kaniya, Mommy?"

"Paano ko ba sasabihin ha? E, lasing na lasing ka kagabi. Mabuti na lang nakita ka niya. By the way she's Kairi. Siya 'yong madalas na kinukwento ko sa'yo dati. Remember?"

"Yes, I remember her. Oh, by the way paano mo ako na meet?" He asked me. Nakarinig din kami ni ninang ng pagtunog ng tiyan ni Isagani.

Nagkatinginan kami ni ninang. Tinignan niya si Isagani at tinapik ang balikat. Tumahimik kaming tatlo ng ilang segundo at tumawa ng malakas si ninang. Hindi ko pa siya nakitang tumawa ng ganito.

"Kairi, mabuti pa ihain mo na 'yan. Anak, tumulong ka na sa paghain. We know that you are already hungry. Puro alak na ang laman ng tiyan mo." 

Tinulungan nga ako ni Isagani para maghain ng almusal. Humigop siya ng mainit na sabaw ng sinigang na bangus. Sarap na sarap siya sa pagkaluto ko. Habang kumakain kinuwento ko ang lahat na nangyari kagabi tungkol sa paano ko siya na meet at 'yong paano niya ako sinukahan.

"What? Ginawa ko 'yon? Oh, I'm sorry. Lasing na ako no'n." Yumuko siya dahil nahiya siya sa ginawa kagabi.

"No, it's okay. I know that you are drunk last night. But next time, you have to listen your Mom. Tigilan mo na ang uminom ng alak. Baka ikapahamak mo pa lalo," wika ko sa kaniya. Napansin ko ring natigilan siyang kumain kaya tinignan ko siya. "May nasabi ba akong kinasakit ng damdamin mo?" tanong ko.

"Sana madali lang gawin 'yang sinasabi mo. Pero susubukan ko. Thanks for your advice." He smile and continue eating.

Normal naman siyang gumalaw ngayong araw. Pero katulad kagabi malungkot pa rin ang kaniyang mga mata.

Nang pumasok na si ninang sa trabaho ay sumunod ding lumabas si Isagani. Hindi niya sinabi kung saan siya pupunta. Bago siya umalis may katawagan ito sa cellphone niya.

Habang ako naman naghanap-hanap ng mapapasukang trabaho. Hindi dapat ako umasa sa sinabi ni ninang na matutulungan akong ipasok sa trabaho ni Isagani. May sarili daw itong negosyo na natigil daw.

Ilang establishments na ang napasukan ko para mag-apply pero wala pa rin. Hindi ako natatanggap. Ang taas naman ng mga standards nila pagdating sa magtatrabaho sa kompanya nila.

Gabi na at uuwi nanako ng bahay. Tawag din si kuya sa akin. After 1 month at hindi pa ako nakahanap ng trabaho kukunin niya raw ako sa bahay ni ninang para iuwi. Buti na lang binigyan ako ni Kuya ng palugit para makahanap ng trabaho.

Dahil sa sobrang pagod ko napahinto ako sa harap ng bar. Napaisip tuloy ako kung pwede ako maging waiter dito sa bar. Pass as a sexy dancer here. Baka mauna pa ako sa impyerno. Aalis na sana ako nang may binubogbog palabas ng bar ang grupo ng mga kalalakihan. Namukhaan ko ang lalaking binubogbog nila. Si Isagani.

Nilapitan ko sila at inalam ang pangyayari.

"Hey! Stop it or I call a police. Stop punching him. He's not a punching bag okay?" Nilapitan ko si Isagani at inalalayang tumayo.

"Hey Miss, huwag kang makialam dito hindi ka kasali sa away namin," pagtataboy ng lalaking ang pangit ng mukha.

"Okay fine, arigluhin na lang natin 'to. Ano ba ang dapat na gawin para itigil niyo na ang pagbugbog sa kaniya?"

"Bayaran niyo ang nasira sa loob ng bar at ang nabastos niyang mga babae namin!" Sigaw ng lalaking puno ng tattoo ang katawan.

"Hoy! Binayaran ko na nga 'di ba? Pati credit card ko nasa inyo na. Ano pa ba kailangan niyo!" Suminok si Isagani ng tatlong beses.

"'Yon naman pala e. Ibalik niyo ang sobrang pera kung hindi tatawag ako ng pulis." Tinakot ko sila.

Pero sa halip na matigil na itong usapan ay sumugod pa rin si Isagani. Nakipagsuntukan sa mga kalalakihang ito. Bali apat silang mga lalaki. Sinusubukan kong umawat pero sa halip na umawat tinulungan ko si Isaganing bugbugin ang mga 'yon.

Hanggang sa may mga pulis na dumating. Pero bago pa man 'yan may kotseng kulay puting huminto at tinawag ang pangalan ni Isagani. Pinapasok kami sa kotse at nakatakas kami sa mga pulis. Sinilip ko mula sa likuran ng salamin ng kotse na ang mga hinuli ng mga pulis ay ang mga lalaking iyon.

@mayo
I'M SORRY IF THIS CHAPTER ARE TOO LONG. BUT ANY WAY I HOPE YOU LIKE THIS PART. DON'T FORGET TO FOLLOW AND VOTE FOR MORE...THANK YOU

SAKALING MAKALIMUTAN MO SYAWhere stories live. Discover now