DISEOTSO

1 0 0
                                    

Nandito kami ngayon kina Madam Gina para magsukat ako ng aking isusuot sa kasal nilang dalawa ni ate Kiana. Nang tapos na akong masukatan naglakad na ako. Habang maglalakad ako sa hallway mayro'n akong nakabanggaan na mag-asawa.

"Naku, pasensya na po," paumanhin ko sa kanila.

"Kairi?" Agad kong namukhaan ang nakabanggaan ko. Sila 'yong mga magulang ni Zen. Napansin ko ring may dinampot siya. Kinuha niya ang aking sketch pad.

"Si Zen 'to ah!" Napaiyak siya habang hinihimas ang ginuhit ko. "Nga pala ako pala si Gregorio at ito naman ay si Helen. Mga magulang nila kami. Pwede bang amin na lang 'to?" Tumango naman ako.

"Pero Sir, Ma'am nais ko sanang sabihin na patawarin niyo na si Isagani. Hindi niya intensyong mawala ang anak niyo. Mahal niya po si Zen. Maniwala po kayo sa pahayag niya." Nagtinginan ang mag-asawa. Tinapik ni sir Gregorio ang aking balikat.

"No need to worry about Isagani. Sinabi na ni Xy ang lahat. Si Franco ang may kasalanan ng lahat. Nga pala, mahal mo ba si Isagani?" Biglang nagseryoso ang aking mukha.

"Bakit niyo po naitanong?"

"Well, sabi ni Xy may gusto ka sa kaniya. Pero binanggit niya rin no'ng araw na kinidnap kayo ni Franco na pareho kayong walang pag-asa sa kniya kasi si Zen parati ang bukambibig ni Isagani." Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko pero naalala ko na kahit anong pagkagusto ko sa kaniya hindi na mababago ang pagmamahal niya kay Zen. "Don't worry, sinabihan ko na rin si Isagani na ang ala-ala ni Zen mananatili sa puso niya. Palayain niya rin sana pati ang puso niya mula sa nakaraan."

Pagkatapos naming mag-usap ay umalis na sila. Maya-maya pa ay nandiyan na si kuya. Ang kaniyang ngiti sa labi ay abot tenga. Habang papalapit siya sa akin binabanggit niya ang aking pangalan.

"Nakapasa ka sa exam. Naka top 9 ka." Niyakap niya ako at pinakita ang result. Pero ako hindi ko alam kung magiging masaya ba ako. "Oh, bakit hindi ka masaya?"

"Masaya syempre. Saka it's a blessing. Tara mag-celebrate tayo!" Hinila ko ang kamay ni kuya.

"Shhh." Bumitaw siya sa aking mga kamay. "Sabihin mo namimiss mo si Isagani no." Kiniliti ni kuya ang aking tagiliran.

"Tumigil ka nga, kuya. Hindi ko siya namimiss okay."

"Alam mo inimbitahan ko rin sila ni ninang Susan. Kasi remember si ninang Susan din ang nag-alaga sa atin no'ng nawala ang mga magulang natin 'di ba." Tumango na lang ako at naiyak na lang bigla.

"Sorry, kuya. I am so weak." Napayakap ako kay kuya.

"Shh, alam ko. Pero sinusubukan mo namang maging matatag e." Hinimas niya ang aking likod.

Humiwalay ako sa pagkayakap kay kuya at pinunasan ang aking luha.

"Thank you, my the best kuya in the world." Bigla kaming tumawa sa isa't isa.

"Marupok ka kaya, 'wag ako." Hinapas niya ang aking likod ng mahina lang.

Dahil nakapasa na ako sa exam sa kursong kinuha na VetMed. Agad na tinawagan ni Mrs. Flores si kuya para kunin ako para magtrabaho sa Veterinarian Office niya. Pumayag naman kaagad ako dahil gusto ko na magamit ang ang pinag-aralan ko ng tuloy-tuloy. Isa rin siya sa mga natutuwa na nakapasa ako sa exam.

Gayun pa man, hindi mawala sa isip ko si Isagani. Kumusta na ba siya? Kumusta na kaya ang business niya? Sana naman nandito siya para ibakitang nakapasa ako sa exam kaso wala. Hays.

Isang linggo na lang at kasal na nila kuya at ate Kiana. Makikita ko rin siya pero hindi gaanong mapapansin niya. Hays. Nandito ako ngayon sa Veterinarian office ni Mrs. Flores at chini-check ko ang mga kalagayan ng aso. Nang biglang tumawag si kuya na dumating na raw sila ninang Susan kasama si Isagani.

Biglang tumibok ng mabilis ang aking puso. Kung maaari raw sana ay umuwi ako ng maaga para makapag-dinner kami ng sabay-sabay. Agad naman akong sumang-ayon.

Pagkapatay ng tawag parang gusto kong sumigaw ng malakas dahil uuwi ako sa bahay na nando'n si Isagani? Anong gagawin ko ro'n? Anong sasabihin ko kay Isagani?  Hays, bahala na.

Pagkarating ko sa bahay agad kong makita si Ninang Susan. Niyakap ko siya at ni-welcome sa bahay namin. Nakita ko si Isagani at binati rin syempre.

"Magbibihis lang po ako," paalam ko naman.

Habang nasa kuwarto humarap ako sa salamin. Tiningnan ang sarili. Gusto kong umiyak. Gusto ko rin maging masaya ngayong gabi. Pagkatapos kong magbihis bumaba kaagad ako sa kuwarto ko. Habang kumakain ng hapunan naka focus lang ako sa pagkain ko.

Nag-uusap at nagkakamustahan din sila ninang Susan. Kuwentuhan kung paano nakilala ni kuya si ate Kiana at paano naging sila. Hanggang sa mabaling ang usapan sa akin. Binati nila ako tungkol sa pagkapasa ko sa exam.

Tapos 'yong pagkabigla ni kuya tungkol sa pagkakidnap sa akin at kay Xy ni Franco na ex boyfriend ni Xy.

"Totoo ba 'yon, Kairi?"

"Tsk, ngayon ka pa ba mag-aalala kung nakaligtas na kami ro'n? Kumain ka na lang." Naramdaman kong sinipa ni kuya ang paa ko.

Pagkatapos namin kumain ako 'yong nag-guide sa mag-ina sa itaas. Hinanda ko ang kuwarto na tutulugan nila. Nasa gitna ako ng kuearto nila. Sa kanang bahagi nando'n si ninang sa kaliwa naman ay si Isagani.

"Kapag may kailangan kayo tawagin niyo lang ako." Wika ko sa kanila.

Nasa baba kasi sila ate at kuya natulog kaya mukhang ako ang body guard sa taas. Nang biglang nag-brownout. Wala pa naman kaming generator. Kinuha ko ang cellphone ko at binuksan ang flashlight ko.Kinuha ko ang solar at binigay ko kay ninang susan. Gano'n din s kuwarto ni Isagani.

"Isagani, heto pailawin mo sa loob ng kuwarto itong solar." Katok ko sa pintuan ng kuwarto ni Isagani.

Binuksan naman kaagad niya at kinuha ang solar. Hindi ko siya tiningnan ng deretso sa kaniyang mga mata. Hindi siya gaanong umiimik. Nang maibigay ko ang solar sinirado na niya ang pintuan ng kaniyang kuwarto at nagpasalamat sa akin.


SAKALING MAKALIMUTAN MO SYAWhere stories live. Discover now