ii. Ilog Beata

151 14 11
                                        

Nasaulan niring balintatawang nangakaraang araw;kaluluwa ko'y kusang dumadalawsa Ilog Beata't Hilom na mababaw

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nasaulan niring balintataw
ang nangakaraang araw;
kaluluwa ko'y kusang dumadalaw
sa Ilog Beata't Hilom na mababaw.

Ito'y isang malinis na anyong tubig,
tagpuan nina Francisco at Selyang umiibig;
himutok ko'y natatamasa,
alaalang punong-puno ng pangungulila.

Sa bawat titik ng librong inilathala,
pamagat ng aklat ay Obra Maestra;
doon ko nalaman ang pag-iibigan nila-
kagiliw-giliw, kahanga-hanga!

Dalisay na pag-ibig ni Kiko'y ipinahayag
do'n sa sintang Selyang nagbigay sa kan'ya ng bagabag;
siya'y kutad sa gano'ng lagay,
ginugol ang panahon, purong pag-ibig inalay.

'Di n'ya matiis ang pagdaralita,
namugad sa kan'yang dibdib ang kanilang gunita;
nawa'y pag-iibiga'y muling magsama
sa tagpuang pook na tinatawag na Ilog Beata.

ScribbledTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon