[ IN THE PROCESS OF EDITING ]
Pinagtagpi-tagping mga letra upang makabuo ng mga salitang magiging obra.
Ito'y kompilasyon ng mga tula, sanaysay, at maiikling kuwento simula nang ako'y bumalik sa aking pagsusulat.
[ Contains 50 random pieces]
Date S...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
O gerero'y namulat sa marahas na mundo; ika'y namimiyapis nang todo. Sa labanan ng buhay ika'y nahapo, ngunit katapangan ay ipinamalas mo.
Lumusong ka sa labanan kahit 'di alam ang patutunguhan. Sino bang sasayod niring mundong walang kasiguraduhan? Pati araw ng kamataya'y walang nakakaalam.
Iyong nalasap ang lalong hinagpis; dugo't pawis mo'y bumabalisbis. Nahambal sa 'yo ang dakilang Poon habang dumako ka sa 'yong paroroon.
Sinalubong ka ng 'yong kaaway- bagyo, lindol, wasiwas ng buhay- ngunit 'yong itimong mayro'n kang kaagapay, at balang-araw kagalaka'y iwawagayway.
Isa kang gerero't may kasamang soldados. Sa dakilang altar ng kataas-taasang Diyos, ipiko ang 'yong mga tuhod; ito'y matinding sandatang sisira sa muog.