[ IN THE PROCESS OF EDITING ]
Pinagtagpi-tagping mga letra upang makabuo ng mga salitang magiging obra.
Ito'y kompilasyon ng mga tula, sanaysay, at maiikling kuwento simula nang ako'y bumalik sa aking pagsusulat.
[ Contains 50 random pieces]
Date S...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Habang ako'y nagliwaliw sa walang kasiguraduhang mundong ito'y nakilala kita. 'Di ko inasahang gan'to na pala ang kamandag mong dala-para bang sa t'wing ika'y aking nakasasalamuha, pintig ng puso'y 'di ko halos maalintana. Nagugulumihan, naguguluhan-ano ba itong aking nararamdaman?
Sa t'wing binubuka ko ang aking mga pakpak, mga paa'y sa 'yo unti-unting umaapak. 'Di ko mawari ang usbong ng damdamin sa t'wing tayo'y maglapat. O, aking nag-iisang bulaklak, kailan ko kaya maambil sa 'yo ang pag-ibig na matagal nang sa aki'y nakatatak?
Dala mong halimuyak ang s'yang kadahilanan ng aking galak. 'Di mo nalamang sa t'wing ika'y sumasayaw sa hangin, ako'y nagaganyak. Gan'to pala ang iibig nang tapat? Salita lamang ay kulang pa't 'di sapat. Maangkin ka lamang ay hahamakin na ang lahat.
Bulaklak, nawa'y iyong pakatandaan: ako ang paru-paro na para sa 'yo'y inilaan. 'Di man madali ang ating magiging pag-iibigan, samu't sari mang dagok ang hahadlang, hahamakin ko ang lahat-masunod ka lamang.
Note: Although this poem was written in 2023-2024, it is now dedicated to ellypsis for her novella Love in a Hundred Ways, whose story of Isla and Sean perfectly resonates with these verses.
Try niyo nang basahin ang novella ni Elly, hindi kayo magsisisi. Sobrang green flag ng guy towards her woman. Roller coaster ang emotion: kikiligin at iiyak kayo. Subukan niyo na rin, kasi tapos ko nang basahin iyon at sobrang ganda. Grabe! :>