[ IN THE PROCESS OF EDITING ]
Pinagtagpi-tagping mga letra upang makabuo ng mga salitang magiging obra.
Ito'y kompilasyon ng mga tula, sanaysay, at maiikling kuwento simula nang ako'y bumalik sa aking pagsusulat.
[ Contains 50 random pieces]
Date S...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Umusbong na ang dilim, saka mo naramdaman ang kakaibang tawag ng iyong laman. Balintataw mo'y lumalawig sa 'di kaaya-ayang imahe na nagpapukaw ng iyong maselang bahagi ng katawan. Naulinigan mo ang bulong ng iyong konsensya, ngunit 'di mo ito pinagtuunan. Unti-unti mong sinakyan ang gawa ng diyablo sa loob ng iyong silid-tulugan, pigil ang iyong hininga upang walang sinumang makakaalam.
Isa kang ganid, hayop na matakaw! Sa gabi, ika'y uhaw na uhaw. Tunay na realisasyon ay 'di mo nasaklaw; kaluluwa mo'y unti-unti nang naagaw. Sa Hades, ikaw talaga'y matutunaw!
Pakatandaan: pansamantala lamang ang kasiyahang iyong mararamdaman sa gawaing kasuklam-suklam. O tao, kaligtasan mo nawa'y iyong bigyan ng pakialam. 'Di pa huli ang lahat - sa kasalanan ikaw na'y magpaalam. Iluhod ang iyong mga tuhod at sa Kanya'y humingi ng kapatawaran. 'Di pa huli ang lahat; sumuko't magbagong-buhay para sa Kanyang kaluwalhatian. Magiging bunga'y kapanatagan.