xiv. Tugon

46 7 5
                                        

Sa tinaghuy-taghoy na kasindak-sindak,lumaganap ang hapis; at diwa't luha'y lumalagaslas

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Sa tinaghuy-taghoy na kasindak-sindak,
lumaganap ang hapis; at diwa't luha'y lumalagaslas.
Isang sukab ang siyang nagsara ng landas,
kaya ngayo'y niring dilim, 'di na makalabas.

Malaong natigil at 'di nakakibo
nang humampas sa 'kin ang matinding delubyo.
Hininga'y hinabol na ibig sanang lumayo;
katawang gapos-kailan kaya mangagtayo?

Tanang balahibo ko'y pinapangalisag;
takot ko sa akin pa ri'y bumabagabag.
Negatibong emosyon sa akin ay nagpahayag;
ako raw ay walang-hiya't kahabag-habag.

Pag-asa, halina't gapos ko'y kalagin;
nawa'y panaghoy ko'y iyong mapansin.
Hikbi ko'y sana iyong sagutin;
nawa'y kung ako'y mamamatay, sana ako'y iyo pa ring gunitain.

Dito ako't napahiyaw sa malaking hapis;
butil ng luha'y bumabalisbis,
sabayan ng pawis na tumatagistis-
walang tumugon, walang nakarinig.

Andito ako't nanlulumo't tuluyan nang naguguho,
patuloy na hinahabol ng delubyo;
dito pa rin sa aking bilibid,
halos nabibihay sa habag ang dibdib.

ScribbledTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon