pinagtagpi-tagping mga letra upang makabuo ng mga salitang magiging obra.
ito'y kompilasyon ng mga tula, sanaysay, at maiikling kuwento simula nang ako'y bumalik sa aking pagsusulat.
[ Contains 50 random pieces]
Date Started: July 20, 2023 Thu
Date...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Sa t'wing napanghihinaan ako ng loob. Sa mga panahong dadalawin ako ng lungkot. Wala akong ibang nais kundi ang mawala ang matinding sakit na humantong sa akin. Tila ba'y hindi man lang maibsan-ibsan ang mga problemang naganap sa aking buhay. Mabigat sa loob kong magpatuloy dahil 'di ko na kayang harapin ang araw na malungkot ang mga mata. 'Di ko na naaaninag pa ang liwanag sa umaga. Madilim. Para bang ako'y nasa liblib na lugar sa mahabang panahon.
'Yong pakiramdam na... Para kang nasa disyerto. Walang kahit na kaunting tubig ang 'yong masisilayan sapagkat ang init ng atmospera ang s'yang kukuha niring butil ng likido. Gulong-gulo ang isip mo. Nagliliwaliw sa napakalawak na disyerto na 'di mo alam ang hantungan. Nakakapagod ding maglakbay lalo na kung wala kang tubig na dala upang maibsan ang 'yong uhaw. Lalamunan mong gusto na lang sumigaw upang mawaksi ang nasa loob ngunit, 'di maaari sapagkat sobrang tuyo na.
Mga mata - dalawang bahagi ng katawang mugtong-mugto na. Maihahalintulad sa disyertong walang mahahanap na tubig... nangangahulugang luha. Pagod na. Pagod na ang manlalakbay. Kailan kaya aabot sa hantungan ng pagkatulog? Tulog na panghabangbuhay. Ano pa ba ang misyon ko rito sa walang kasiguraduhang mundong ito? Nais kong malaman ngunit paano?
Iyak. Gustong-gusto kong umiyak ngunit wala namang tutulong luha mula niring mga mata. 'Di ko na kayang iambil ang hinanakit sa pamamagitan ng aking pagluha. Pagod na. Sobrang pagod na. Pangarap ko na lamang sa ngayo'y mawala ng parang bula. O bakit sakim sa akin ang mundo? Ano bang maling ginawa ko? 'Di ko naman piniling mabuhay rito.
Nais kong umahon ngunit lunod na ako. 'Di na makabangon, mahina na ang tuhod. Wala nang lakas. Pagod na. Ubos na. Ayaw ko na. Masakit na. Tama na.