xv. Maria Clara't Ibarra

46 6 6
                                        

'Wag malilingat at pag-ingatan koang bumugsong damdamin ko para sa 'yo,o aking nag-iisang binibining nagpabihag sa aking puso;ikaw lamang ang siyang aking mundo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

'Wag malilingat at pag-ingatan ko
ang bumugsong damdamin ko para sa 'yo,
o aking nag-iisang binibining nagpabihag sa aking puso;
ikaw lamang ang siyang aking mundo.

'Di ako magsasawang ipahayag ang aking pagtingin sa 'yo sa pamamagitan ng kalatas;
purong pag-ibig ko kailanma'y 'di maaagnas;
niring bibig ikaw ang palaging ambil-
walang sinuman, pati si Padre Damaso, ang makapipigil.

Aking nag-iisang Maria Clara,
wala na akong pangamba pa
sa harapan ng Kataas-taasang aking sinasamba;
mismo sa Kanyang altar ikaw ang idadala.

Ngunit 'di ko inakala
na tayo'y uusigin pala ng tadhana;
'di ko inaasahang ikaw sa aki'y mawala
dulot ng bulok na sistema sa 'ting bansa.

Hindi lang iisa ang aking kalaban,
pati na rin ang aking ipinaglabang taumbayan-
tinutop ang aking puso't nagsaysay:
"Kahit anumang mangyari, puso ko'y sa 'yo lamang iaaalay."

Aking Maria Clara na lubusan kong inaalala,
pakatandaan mo nawa
na may nag-iisang binata na sa 'yo'y itinadhana-
nagngangalang Crisostomo Ibarra.

ScribbledTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon