0. 37 - Pulubi

30 4 4
                                    

Hinawakan ko nang mahigpit ang ’yong braso

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Hinawakan ko nang mahigpit ang ’yong braso. ’Di ko mapigilan ang pagtulo ng aking mga luha na kanina pa nais kumawala. Wala ka nang pakialam sa nararamdaman ko. Para bang nakalimutan mo ang ating mga pinagsamahan noon.

“Bitawan mo ako!” ambil mo ngunit ’di kita pinakinggan. Sa mga oras na ito, wala akong ibang nais kundi ang manatili ka sa ’kin. Nasanay na ako sa presensya mo. Alam kong ’di ko kaya kung wala ka. “Sabi nang bitawan mo ako!” pag-uulit mo na nagpapahina lalo ng aking mga tuhod.

“Iiwanan mo na lang ba talaga ako? Wala na ba talagang pag-asa ang tayo?” Pilit kong pinapaintindi sa 'yo ang mga bagay-bagay upang magbago lamang ang iyong isip ngunit sa ekspresyon ng iyong mukha, halatang buo na talaga ang iyong desisyong umalis na ng tuluyan.

“Ilang beses mo bang ipagpilitan ang sarili mo rito sa ’kin? Sawa na ako sa kung anong mayro’n tayo! ’Di mo ba naiintindihan na ayaw ko na?! Pagod na ako sa ’yo. Pagod na akong mahalin ka!” Para akong sinampal nang paulit-ulit sa mga napakinggan ko. Masakit. Sobrang sakit. Hindi ko rin alam kung paano ako maghihilom dulot ng mga binitawan mong mga kataga.

“P-Pakiusap... K-Kahit isang pagkakataon na lang.” Nang sabihin ko ’yon sa ’yo’y tuluyang naging blangko ang kabuuan ng iyong mukha.

“Dianna, kapag sinabi kong ayaw ko na, ay ayaw ko na. ’Wag kang manlimos ng pag-ibig dahil kahit kailanman, ’di ito hinihingi, kusa itong binibigay.”

Napagtanto ko bigla ang iyong sinabi. Unti-unti kong binitawan ang iyong braso. Hahayaan na kitang lumayo rito sa ’kin.

Tama ka, hindi ako dapat nanlilimos ng pag-ibig sapagkat,

hindi ako isang...

pulubi.

ScribbledTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon