ix. Mismo Sa Aking Puntod

60 8 5
                                        

Matanto sana nila ang aking halagahabang buhay pa ako't humihinga;itotono na sana nila ang kanilang pagsasalita-'di panunumbat at pagsawalang-bahala

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Matanto sana nila ang aking halaga
habang buhay pa ako't humihinga;
itotono na sana nila ang kanilang pagsasalita-
'di panunumbat at pagsawalang-bahala.

Bulaklak na puti'y sa burol lamang inialay;
ito lamang ay matatanggap sa oras ng lamay,
ngunit sa mga panahong tao pa'y buhay,
walang pag-ibig ang dumadagayday.

Anupat ang luhang sa mata'y naagos
ng pagkaulila sa pag-ibig n'yong lubos;
'di n'yo alam ako na'y ubos-
kailan n'yo kaya matanaw na ako na'y kalunos-lunos?

Kung darating na ang bukas ng aking pag-alis,
sino ang sasayod ng bumugsong sakit?
Sa parihabang kahon kung saan natigil na ang hinagpis,
kahit kailanman 'di n'yo 'ko inibig.

Paalam na!
'Di ko na kaya;
panigurado namang 'di kayo mangungulila-
ito pa nga ang nais n'yo na ako'y mawala.

Ang 'yong hiling ay aking susundin;
'wag na kayong mag-atubili't magpigil,
matinding sakit ang s'yang nakalulunod
dito mismo sa aking puntod.

ScribbledTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon