[ IN THE PROCESS OF EDITING ]
Pinagtagpi-tagping mga letra upang makabuo ng mga salitang magiging obra.
Ito'y kompilasyon ng mga tula, sanaysay, at maiikling kuwento simula nang ako'y bumalik sa aking pagsusulat.
[ Contains 50 random pieces]
Date S...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Mapag-isa. Walang ni isang kasama. Napagtanto ko bigla: 'di lahat ng tao hanggang dulo'y dadamayan ka. Ang aking mga no'ng nakasasalamuha, unti-unti silang nawawala. Siguro gano'n nga-mas masaya sa umpisa, ngunit kapag maglaon, sila rin ay kakawala.
Naging normal na sa akin ang ganitong eksena. Naramdaman ko na ito noon pa. Ngunit nasa akin ang kamalian, dahil kahit alam ko na kung ano ang pakiramdam na maiwan, hanggang ngayon, ang mga bagong taong nakikilala'y akin pa ring hinahayaan. Patuloy pa rin akong tumatanggap ng temporaryong kasiyahan kahit na alam ko nang 'di ito magtatagal.
Pero bakit kaya gano'n? Kahit alam mo nang masasaktan ka'y handa ka pa ring bumalik sa parehong kadahilanan-kahit na alam mong sa huli'y ikaw ang maiiwang luhaan. Bakit kaya gano'n? Siguro ang rason, dahil kahit hindi panghabang-buhay ang sayang matamasa, ang mahalaga, naramdaman mo man lang kahit papaano ang pahalagahan.
Ang gulo talaga ng buhay ng tao, 'no? Mas pinipili pa rin nating maranasan ang mga bagay na temporaryo kahit na wala nang natira sa 'tin sa dulo. Pipiliin at pipiliin pa ring ipagpilit ang sarili sa ibang tao. Sana sa susunod, magawa ko nang talagang piliin-hindi na ang iba, kundi ang sarili ko.