[ IN THE PROCESS OF EDITING ]
Pinagtagpi-tagping mga letra upang makabuo ng mga salitang magiging obra.
Ito'y kompilasyon ng mga tula, sanaysay, at maiikling kuwento simula nang ako'y bumalik sa aking pagsusulat.
[ Contains 50 random pieces]
Date S...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Kalansing ng pinggan at kubyertos ang siyang sumalubong sa akin pag-uwi ko ng bahay. Agad akong tumungo sa kusina't naghugas ng aking mga kamay. Nang matapos ay pumaroon ako sa hapag-kainan at ngumiti nang matamis kay Nanay. Siya'y nagpatuloy sa paghahanda sa hapunang sa aming, kaniyang mga anak at asawa, ay iaaalay. Maya-maya pa't sumunod na sina Kuya, Ate, at pati na rin si Tatay.
Umalingawngaw ang halakhakan sa loob ng aming tahanan. Araw-araw, galing sa eskwela'y ito ang aking natutunghan. Problema'y ipinangungulíng kapag kasama ang miyembro ng pamilya. Nakalulunos man minsan ang mga dagok na natamasa, 'di ito hadlang upang maging masaya.
Ngunit sukab ang kapalaran sapagkat, sa isang iglap, sila'y nawala. Nakahandusay sa hirap ang aking nakuha. Nang pagkatapos ng hapunan ay umusbong ang apoy, at tanging ako lang ang nakawala. Natunghayan ko mismo sa aking mga mata ang kasakiman ng mundong sa aki'y ipinatamasa.
Gaya sana ng tabsing ng anyong-tubig ang buhay nila-maaaring bumalik sa tuwing mawawala. Ngunit ito'y lalang at 'di kapani-paniwala. Tanging himutok na lamang ang aking magagawa sapagkat silang lahat ay tuluyan nang namamayapa.
Mapanglaw nang humantong ang gabi. Sa sulok ng silid ako'y nalulugami; hapis sana'y nanaisin kong mawaksi, katkatin nawa dahil 'di na ako makapagtimpi. Bumalisbis na ang luha ng taong naapi, ngunit napalitan ng halakhak ang aking paghikbi nang masaulan nang gabing yaon ang karumaldumal na pangyayari.
Sa dingding ng silid-tulugan dumako ang aking mga tingin. Apoy sa loob ko sana'y daragitin; balisáng isip ko't konsensiya'y 'di ako kayang patawarin. Ngayo'y matagal nang lihim ay akin nang sasabihin: "Ako ang natira; ako rin ang salarin."