[ IN THE PROCESS OF EDITING ]
Pinagtagpi-tagping mga letra upang makabuo ng mga salitang magiging obra.
Ito'y kompilasyon ng mga tula, sanaysay, at maiikling kuwento simula nang ako'y bumalik sa aking pagsusulat.
[ Contains 50 random pieces]
Date S...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"Mahirap arukin ang saloobin ng isang tao," aniya nga ng nabasa kong libro; akala mo'y kilala mo na ng buo, ngunit 'di pala, sapagkat nagbabalatkayo.
Ang panlabas nitong kaanyuan, madaya—ito'y 'di repleksyon ng kan'yang panloob na kaugalian. Ang akala mong nakikitang kasiyahan, isa pa lang balatkayo lamang.
Anupa't pakatandaan, maaari mong malinlang ang sangkatauhan sa ngiti mong matamis na para bang walang pasan-pasan, ngunit sa sarili mo, 'di mo ito matatakasan.
Itatak mo sa 'yong isipan, wala namang masama kung nakakaranas ka ngayon ng matinding kahapisan; basta ba'y tanggapin mo ring minsa'y mayro'n ka ring kahinaan, sapagkat 'di mo matatamo ang kalayaan kung gan'yan pa rin ang 'yong katayuan.
Tutulungan kita ngayong ipaalala, upang hapis ay 'yong maapula. Lumabas ka sa karsel ng pagpapanggap; iwanan mo na ang taglay nitong kamandag.
Ikaw ma'y nagbabalatkayo, ngunit ang mahalaga ngayo'y alam mo na 'di ka kailanman mahimasmasan kung 'di mo piliing maging matapat sa 'yong nararamdaman.