Sa tuwing ang tao ay mayroong nagugustuhang isang bagay, ang tingin niya rito ay kayamanan. Nais niya itong maangkin na umaabot na sa puntong nakakalimutan na niyang mas pahalagahan ang sarili. Iyong tipong kapag hindi niya ito makuha ay nawawalan na rin ng saysay ang kaniyang pagkatao. Hindi niya batid na ang bagay na nais niyang maabot ay temporaryo lamang. Kalaunan ay mawawala dahil hindi ito ang tanging dahilan upang magkaroon ng pagpapakahulugan ang kaniyang buhay.
Dagdag pa'y ang pananaw niya rito'y parang ginto dahil ito nga'y kumikinang. Ngunit, hindi niya batid na ito'y pagbabalatkayo lamang. Sapagkat, kapag ganid na ang tao sa yaman, hindi niya talaga makikita ang kamalian. Sana mahinuha nating mga tao, na hindi lahat ng kumikinang ay ginto.
BINABASA MO ANG
Scribbled
Poetry[ IN THE PROCESS OF EDITING ] Pinagtagpi-tagping mga letra upang makabuo ng mga salitang magiging obra. Ito'y kompilasyon ng mga tula, sanaysay, at maiikling kuwento simula nang ako'y bumalik sa aking pagsusulat. [ Contains 50 random pieces] Date S...
