Sa umpisa ng ating pagkakilala, labis ang saya ang ’yong hatid dito sa ’kin. Naging bahagi ka ng aking buhay. Walang araw na hindi ka sumagi sa aking isip. Lagi kang laman nito. Alam na alam mo kung paano ako kunin sa pamamagitan lamang ng ’yong mga salitang nagpaparamdam sa akin ng kapanatagan.
Sa t'wing naglalaan ka ng oras sa akin, ramdam ko ang galak ng aking puso kapag nakikita ko ang pangalan mo sa screen nitong aking cellphone. ’Di mo batid, unti-unti mo na akong nabihag. Nasanay ako sa presensya mo. Nasanay na ako na andiyan ka lagi sa tabi ko.
Oo, malayo tayo sa isa’t isa. Kaibigan ang turingan nating dalawa ngunit 'di mo alam na sa patibong mong dala, ako'y tuluyang nahuhulog na. ’Di ko kayang aminin ang nagtatagong nararamdaman ko para sa ’yo. Wala akong lakas. Paano?
Nang ako’y pumikit sa aking mga mata, bigla ka lang nawala. Ilang araw, linggo't buwan akong naghintay sa ’yo, nagbabasakaling muling masilayan ang pangalan mo sa screen nitong aking cellphone at may tadtad na mga mensaheng galing sa ’yo. Hinahanap ko ang kalinga mo, hinahanap ko ang presensya mo. Napatanong mismo sa aking sarili, “Sa ’ting dalawa, ako lang ba talaga ang ganito?”
Mukhang ang katanungang iyon, alam ko na ang sagot. Oo, ako lang ang ganito.
Sa umpisa, ramdam ko na mahalaga ako sa ’yo ngunit kalaunan, mayro'ng pagbabago.
Sinanay mo ang sarili mong wala ako kaya napagtanto ko rin,
Sasanayin ko na rin ang sarili kong wala ka.
Baka ganoon nga ang hantungan nating dalawa, sinasanay ang mga sarili na tuluyan na talagang malayo sa isa’t isa.
BINABASA MO ANG
Scribbled
Aléatoirepinagtagpi-tagping mga letra upang makabuo ng mga salitang magiging obra. ito'y kompilasyon ng mga tula, sanaysay, at maiikling kuwento simula nang ako'y bumalik sa aking pagsusulat. [ Contains 50 random pieces] Date Started: July 20, 2023 Thu Date...