[ IN THE PROCESS OF EDITING ]
Pinagtagpi-tagping mga letra upang makabuo ng mga salitang magiging obra.
Ito'y kompilasyon ng mga tula, sanaysay, at maiikling kuwento simula nang ako'y bumalik sa aking pagsusulat.
[ Contains 50 random pieces]
Date S...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Madilim na sulok ang siyang aking karamay sa kahapisang inilaan sa 'kin ng buhay. Nagsilbing karsel ang sariling pamamahay - puro pasakit saka lumbay; sarili lamang ang naging kaagapay.
Bumalisbis ang luha, ni walang makapipigil sa aking balisa. Dinumog ng kawalang pag-asa. Patilangit ba'y'di ako makakaasa? O, nawa! Kaawa-awang kaluluwa!
Luha'y bumalisbis; umalingawngaw ang pagtangis. Bulyaw n'yong 'di kanais-nais ang naging kadahilanan ng aking pasakit. Ganito na lang ba ang makakamit? 'Di ako makahinga - kayo'y kayhigpit.
Tamasain sana ang galak, ngunit para bang ito'y bawal; pagkutya n'yo'y nakakawala ng aking dangal. Paulit-ulit n'yong sinasabi, "Isa kang hangal!" Dagdagan pa ng mga katagang, "Sa buhay namin, ikaw ay sagabal!" Aniya pa, "Wala kang kuwenta; sana 'di ka na lang iniluwal!"