xvii. Tsuper, tatak tunay!

49 6 2
                                        

Tinig, tandang, tinapay, tasa't tinidor

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Tinig, tandang, tinapay, tasa't tinidor.
T'wing tatatak-tanghaling tapat,
Tagistis, tulo, tiyak na tiyak.
Tainga't tinig tatatak; taong tatayo't tatapak tuwing tatahak-tahanan.

Tatay, tatay!
Tatawid Tagaytay.
"Tara, tara!"
Tayo'y tipong tumahak;
Trabahong tsuper; tatak.

Tulo't tagistis-tuwalya,
Tigpapares tsinelas;
"Teka, teka!"
Tula'y tandaan.
Tsuper; Tatay tutulungang
tatahak taumbayan.
Talagang trabahong tsuper, tunay't tatak!

Tsuper: taga-tagapaghatid,
tagamaneho,
tagatanaw, tagapakinabang,
talagang tagapaglingkod.
Tandaang tsuper, tatak tunay!

ScribbledTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon