0. 35 - Pangungulila

31 4 4
                                    

Ngayo’y naririto ka’t humantong sa 'kinnais ko sa ’yo’y iparating ang aking adhikainkung iyong mamarapatin,maaari bang dito ka na lang sa ’kin?

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ngayo’y naririto ka’t humantong sa 'kin
nais ko sa ’yo’y iparating ang aking adhikain
kung iyong mamarapatin,
maaari bang dito ka na lang sa ’kin?

Ika’y tumango sa katanungang iyon
napangiti ako sa ’yong pagsang-ayon
mga alaala’y sinimulan pagkatapos niyon
ngunit, kalauna’y ’di ko akalaing magiging bahagi iyon ng kahapon.

Bigla kang nawala,
katulad ng iyong pagdating
napakabilis!
’di ko akalain.

Ika’y naparam ngunit nanatili ang alaala
sinubukang nagsinuling-suling ngunit ’di ka mahanap
hilahil ko’y laging dala
lihim kong pag-ibig, ’di mo makatatap.

Ika’y nakatiglaw,
’di na bumalik
ako’y natimawa,
’di nakalag.

Sa iyo ako’y nangungulila
ito’y napakalubha
tumatagistis pa rin ang aking mga luha
’di pa rin nahanap ang tuwa’t payapa.

ScribbledTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon