xxii. Ang Kahinaa'y magiging Kalakasan

51 6 8
                                        

Gulong-gulong lubha ang kan'yang loobsa t'wing daragitin s'ya ng lungkot

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Gulong-gulong lubha ang kan'yang loob
sa t'wing daragitin s'ya ng lungkot.
Hapis niya'y nagpabaluktot
sa balintataw n'ya; ito'y may pahintulot.

Nagitlahana s'ya nang matanto
na ang lumbay ang s'yang naging pinuno
sa buhay n'yang unti-unting nanlabo;
buhay niya'y saan kaya papatungo?

Kahinaan n'ya'y magpalamon sa lungkot,
lumbay niya'y naghatid ng puot
sa puso n'yang kalunos-lunos—
araw-araw, puro unos.

Anong gagawin n'ya sa kan'yang kahinaan?
Magpapalamon na lang ba nang tuluyan?
Sarili n'ya mismong hinaing 'di magawang mapakinggan;
paano na lang kaya ang kan'yang kinabukasan?

Kung nanaisin niya lamang
na 'di magpalamon sa kalungkutan,
balang-araw ang kan'yang kahinaan
ay kan'yang magiging kalakasan.

ScribbledMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon