Ang tao'y nilalang para magsilbi
Mabuhay para sa kapwa at sa sarili,
May kanya-kanyang kakayahan
Ngunit ginagamit sa iba't ibang paraan.
Bawat bigkas ng taong mapagbikis buhangin
Ay tila isang masamang bulong sa hangin,
Ang mga paniniwalang pinagtibay noon
Nasaan na sa modernong panahon ngayon?
Nasaan nga ba ang katotohanan
Sa likod ng sandamakmak na kasinungalingan?
Sino ang kaparat-dapat paniwalaaan
Taong hubad sa katotohanan o 'yong pakitang tao lang?
Ngayon, sinasamba ang taong may pwesto sa gobyerno
Iyong iniluklok ng madla dahil sabi'y 'TUNAY NA TAO',
Sila raw ay maka-Diyos at makatao
Iyon pala'y balimbing, sinasamba'y PISO.
Bangon! Gumising ka masa!
Hilahin nyo pababa ng taong mapagsamantala,
Hindi ikaw ang kawawa at lalong hindi ikaw ang dukha,
Silang may maitim na budhi kung mag-isip ay tila talangka.
Huwag kang magtaka kung bukas talunan ka na
Dahil di ka uunlad kung ikaw'y walang ginagawa,
Manalig ka at gumawa ayon sa kagustuhan ng Maykapal,
Dahil ang kasamaan di mananalo sa paghihiganting Banal.