Ang aking Panambitan

10 0 0
                                    



Bata pa lang ako, alam ko na

Wala akong kinabukasan, asa pa

Dahil sainyo ganito ang inabot ko

Mangmang at di kilala ang libro.


Sa hapag kainan, tuyo'y nakahain

Halos araw-gabi kami'y walang makain

Paghahatian pa ang natirang tutong

Kahalo'y sabaw mula sa butas ng bubong.


Ni di ko pa nalasahan ang isang prayd tsiken

Kasi saamin, asin ang madalas kapareha ng kanin

Ni di ko pa nalasahan ang sabi nilang adobo

Kasi dun saamin mas uso ang ulam na toyo.


Ni di nga ako mabilhan ng maayos damit

Gatos lang daw kaya magtiis sa telang punit

Katawan ko'y di makalasap ng isang sabon

Kaya ako'y maitim, mula noon hanggang ngayon.


Tapos ngayon gusto mong tulungan kita

Iyong pangangailangan ko, napunan mo ba?

Nasaan ka noong sikmura ko'y kumakalam?

Nandun ka sa sugalan kaya wala kang alam.


Halos mamatay kami na dilat ang mata

Habang ikaw sa alak ay nagpapakasasa

Ni wala kang ginawa noong nagkasakit kami

Dahil sa bahay-aliwan ka palagi pumipirmi.


Wala kang karapatan humingi ng pabor!

Dahil sa pamilya natin ikaw ang traydor

Ito ang hanay ng aking mga panambitan

Ako'y isang anak na lubos na nasasaktan.



Hitik sa TitikTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon