Kilala siya bilang playgirl ng aming paaralan
Maganda at sa pag-ibig maraming karanasan
Tanga ka ba talaga o fan ng telenobela?
Akala mo may happy ending ang inyong istorya.
Bitter daw ako, sige kayo na!
Di ko naman tinatanggi na mahal kita
Ayos lang naman na maghanap ka ng iba
Ang tanong ko lang 'bakit sya pa?'
Matalino ka sa klase
At laging nasa hanay ka ng top 3
Nang maging kayo 'anong nangyari?'
Sa top 10, pangalan mo'y di na kasali.
Di ko alam kung ano ang problema mo
Pero yan naman ang desisyong pinili mo
Sapat ba ang pag-ibig para magpabago?
Eh di naman madaling gawing santo ang demonyo.
Nabalitaan ko wala na raw kayo
Halos araw-araw ang pagluha mo
Nasambit mo raw ang pangalan ko
Na kung ako pinili mo, di ka masasaktan ng ganito.
"Pwede pa ba tayo?' ang iyong nasambit
Nang tayo'y pagtagpuin ng tadhanang malupit
"Patawarin mo ako, pwede ako nalang ulit?"
Masarap isipin ngunit sa puso'y masakit.
Labi ko'y tikom sa sobrang sakit
Tayo'y nagtitigan ngunit ako ang unang pumikit
At ang labi ko'y nagsimulang bumukas
"Mahal kita pero hindi ako panakip butas".
