Misyonaryo

8 0 0
                                    

Thank you elders and sisters :) This is for you.

-----------------

Iba't ibang bansa

May kani-kaniyang paniniwala

Iba't ibang lahi

Iba't ibang lipi.


Amerikano, Indiano

Pilipino man o Negro

Pinagbubuklod ng banal na libro

Nagsasama-sama tuwing araw ng linggo.


Suot ang kurbata, damit na puti't itim

Simbolo ng kadalisayan at dasal na taimtim

Malugod na pagtanggap ang kanilang hiling

Upang maibahagi mga salitang sa Diyos mismo galing.


Mas piniling mawalay sa pamilya ng dalawang taon

Ehemplong dapat pamarisan ng bawat henerasyon

Katawan at kaluluwa nila'y nababalot ng kabanalan

Saan man dalhin ng kapalaran, puno parin ng kalinisan.


Sila'y lulan ng naguumapaw na ebanghelyo

Makapunta sa templo at sa paraiso'y makapasok tayo

Sa lahat ng sakripisyo, salitang 'salamat' ay di sapat

Walang dudang sila'y pinagpala, sa biyaya'y nararapat.


Hitik sa TitikTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon