Paumanhin

5 0 0
                                    

Alam ko naman na talagang kay hirap

Kung ang pangarap ay mawawasak sa isang iglap

Mga planong pinasibol ng panahon

Ngunit kinitil ng mapanirang pagkakataon.

Mga matatamis na pangakong binitawan

Sa kasagsagan ng mala-dyamanteng pag-iibigan

Tila ba isang itinayong kastilyong buhangin

Na sa paghampas ng alon ay tiyak na wawaksiin.

Paumanhin kung nasaktan kita

Lahat ng ito'y di ko naman sinasadya

Siguro nga'y direksyon natin di nagtali

Dahil sa pagtatapat ng katotohanan at pagkukunwari.

Tila isang maganda't pangit na panaginip

Na sa pagmulat ng mata'y iba ang masisilip

Isang katotohanang kailangang ipilit

Na tanging sa gabi mo lang masisilayan ang bituin sa langit.

Paumanhin, pagbigkisin ko man lahat ng mga bagay

Pilit itong binabatid dahil sa huwad nitong taglay

Siguro nga ito'y magiging bakas na lamang ng ating pagmamahalan

At tanging ala-ala nalang pagsapit ng kinabukasan.

Hitik sa TitikTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon